Lazaro A. Francisco

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Lazaro Francisco (22 Pebrero 1898– 17 Hunyo 1980) ay pang-apat na anak ni Eulogio Francisco at Clara Angeles. Siya ay isinilang sa Orani, Bataan ngunit pumunta at tuluyang namalagi sa Nueva Ecija.

Siya ay itinuturing na isa sa matibay na haligi ng panitikang Filipino. Ilan sa mga isinulat niyang mga nobelang ay ang Singsing na Pangkasal, Bayang Nagpatiwakal, Sa Paanan ng Krus, Ilaw sa Hilaga, Binhi at Bunga, Cesar, Sugat ng Alaala, Ama, Maganda Pa Ang Daigdig, at ang pinakahuli niyang nobela, ang Daluyong. Maliban sa Bayang Nagpatiwakal, lahat ng kaniyang nobela ay nalathala sa Liwayway.

Makikita sa kaniyang mga nobela na pinayaman niya ang panitikan ng bansa at sinubukan niyang pagandahin ang Pilipinong daigidig sa pamamagitan ng kaniyang pambihirang kakayahan sa wika at pakikisangkot sa kapakanan at mithiin ng mga Pilipino.

Si Lazaro Francisco o "Saro" ay isa sa apat na napiling parangalan ng 2009 Gawad Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan. Kinikilala rin siya na ama ng Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang Pilipino (KAWIKA). Iginawad sa kanya ang mga karangalang "Patnubay ng Lahi" ng Maynila, "Dangal ng Lahi" ng Lungsod ng Quezon, at noong 1970 ay ipinagkaloob sa kanya ang "Republic Cultural Heritage Award" sa Panitikan.

Ang nobelang "Ama"ay isinalin sa wikang Pranses ni Jean-Paul G. Potet sa ilalim ng pamagat na "Maître Tace".

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.