Lara Saguisag

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Ma. Larisa Montserrat “Lara” Q. Saguisag ay isang manunulat ng mga kwento at tulang pambata sa wikang Ingles. Siya ang may-akda ng There's a Duwende in My Brother's Soup, Cat Eyes, at Tonyo's Wishes. Ang kanyang aklat ng mga tula na pinamagatang Children of Two Seasons: Poems for Young People ang nanalo ng Writing for Children Chapbook Series Award mula sa The New School noong 2006).

Natapos ni Saguisag ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas. Nakamit niya ang kanyang masterado sa panitikang pambata sa Hollins University at ang kanyang masterado sa malikhaing pagsulat sa The New School sa New York. Kasalukuyan niyang tinatapos ang kanyang pag-aaral doktoral sa larangan ng childhood studies sa Rutgers University.

Si Saguisag ang isa sa mga nagtatag sa Kuwentista ng mga Tsikiting o KUTING, isang samahan ng mga manunulat para sa bata at kasapi ng Society of Children's Book Writers & Illustrators. Bago mangibang-bansa upang mag-aral ay nagturo siya sa UP.

Si Saguisag ay anak nina dating senador Rene Saguisag at ng yumaong dating kalihim ng Department of Social Welfare and Development Dulce Quintanas Saguisag.

Sanggunian