Lang Dulay

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Lang Dulay ay isa sa mga Manlilikha ng Sining na pinagkalooban ng Gawad Manlilikha ng Bayan o GAMABA. Kilala siya paghahabi ng t'nalak. Itinanghal siya bilang Manlilikha ng Bayan noong 1998.

Talambuhay

Ipinanganak si Lang Dulay noong ika-3 ng Agosto, 1928 sa may Lake Sebu sa South Cotabato. Una niyang natutunan ang paghahabi sa edad na 12 mula sa kaniyang ina.

Kilala si Lang Dulay sa paggamit ng mga tradisyonal na disenyo sa kaniyang paghahabi ng t'nalak sa kabila ng komersyalisasyon at pag-usbong ng mga makabagong disenyo. Mayroon siyang nasa 100 mga disenyo at padron na tanging siya lamang ang nakakagawa. Nag ilang sa mga disenyong ito ay nakita niya sa kaniyang panaginip, kaya siya ay tinatawag ring "dreamweaver".

Kinilala si Lang Dulay bilang Manlilikha ng Bayan noong 1998. Sa parehong taong iyon, itinanghal ang kaniyang mga gawa sa isang exhibit sa Smithsonian Institution sa Washington, D.C. sa Estados Unidos bilang bahagi ng pagdiriwang ng sentenaryo ng kalayaan ng Pilipinas.

Nagtayo si Lang Dulay ng Manlilikha ng Bayan Center sa kaniyang bayan sa South Cotabato para maengganyo ang kabataan na ipagpatuloy ang sining ng paghahabi ng t'nalak, at noong 2014, lima sa kaniyang mga apo ang naging manghahabi.

Na-comatose si Lang Dulay noong 2015 at namatay noong ika-30 ng Abril sa taon ding iyon.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.