Lambak ng Cagayan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Lambak ng Cagayan ay isang rehiyon sa Pilipinas at tinatawag ding Rehiyon II. Binubuo ito ng limang lalawigan: Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino. Ang kabiserang panrehiyon ay ang Tuguegarao.

Ang rehiyon ay matatagpuan sa isang malaking lambak sa hilagang-silangang Luzon, sa pagitan ng kabundukang Cordilleras at ng Sierra Madre. Binabagtas ng Ilog Cagayan, ang pinakamahabang ilog sa bansa, ang gitna ng rehiyon at dumadaloy patungong Kipot ng Luzon sa hilaga.

Pagkakahating Pampolitika

Lalawigan/Lungsod Kabisera Populasyon
(2000)
Sukat
(km²)
Densidad
(bawat km²)
20px Batanes Basco 16,467 209.3 78.7
20px Cagayan Lungsod ng Tuguegarao 993,580 9,002.0 110.4
20px Isabela Ilagan 1,287,575 10,664.6 120.7
20px Nueva Vizcaya Bayombong 366,962 3,903.9 94.0
20px Quirino Cabarroguis 148,575 3,057.2 48.6

Mga Lungsod

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Lambak ng Cagayan. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.