Lambak Indus

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Lambak Indus o Indus Valley ay matatagpuan sa pagitan ng Ilog Indus at Ilog Ganges sa Timog Asya. Ang rehiyong ito ay napapaligiran ng matatayog na kabundukan sa hilagang kabundukan ng Himalayas at ng Hindu Kush. May ilang daanan o landas sa mga kabundukang ito tulad ng Daanang Khyber na nagsisilbing lagusan ng mga mandaragat, mandarayuhan at mananakop mula sa Kanlurang Asya at Gitnang Asya. Tulad ng Ilog Tigris at Ilog Euphrates na umaapaw dahil sa pagkatunaw ng yelo sa Himalayas at pagbagsak ng ulan, ang Indus at Ganges ay taunang umaapaw rin dahil sa parehong dahilan. Matapos humupa ang baha ay naiiwan ang bagong deposito ng banlik. Dahil dito, mataba at angkop sa agrikultural na pamumuhay ang kapatagang ito.

Kabihasnang Indus

Ang Kabihasnang Indus, o tinatawag ring kabihasnang Harappan ang pinakamatandang kabihasnan sa subkontinente ng India. Umusbong ang kabihasnan Lambak Indus. Umiral ang kabihasnang ito mula 2500-1700 BK.

Unang natukoy ang kabihasnang ito noong 1921 sa Harappa sa rehiyon ng Punjab, at noong 1922 sa Mohenjo-daro, malapit sa Ilog Indus sa rehiyon ng Sindh. Kapwa nasa kasalukuyang teritoryo ng bansang Pakistan ang dalawang lugar. Itinalaga bilang isang UNESCO World Heritage Site ang guho sa Mohenjo-daro.

Mga Sanggunian


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.