Lahing Aryan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang lahing Aryan o Aryan race ay isang konsepto ng lahi na umusbong noong ika-19 na daantaon na ginamit upang ilarawan ang mga Indo-Europeo. Nagmula ang konsepto sa paniniwalang ang mga taong nagsasalita ng mga wikang Indo-Europeo at ang kanilang mga desendiyente hanggang sa kasalukuyang panahon ang bumubuo sa isang natatanging lahi o subrace ng lahing Caucasian. Pinaniniwalaang nanirahan sa sinaunang Iran at sa hilagang bahagi ng subkontinente ng India ang mga Aryan. Ayon sa paniniwala, ang mga mapuputing Aryan ang sumalakay at sumakop sa sinaunang India mula sa hilaga, at kalaunan ay naipalaganap ang kanilang literatura, relihiyon at kultura na siyang pinagmulan ng kulturang Indian.

Bago matapos ang ika-20 daantaon, may mga iskolar na nagsabing hindi isang lahi ang Aryan kundi isang antas ng lipunan, at nagmula ang pangalang ito sa arya na nangangahulugang noble sa wikang Sanskrit. Ginamit rin ang paniniwala sa lahing Aryan sa Europa noong 1850s, kung saan may mga grupong naniniwalang nakahihigit ang lahing Aryan kumpara sa ibang mga lahi. Ito rin ang ginamit na paniniwala ni Adolf Hitler at ng mga Nazis sa pagpapatupad ng polisiya ng paglipol sa mga hindi kabilang sa lahing Aryan.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.