Lagundi

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Template:Speciesbox

Flower ng ​​Vitex negundo sa Panchkhal lambak sa Nepal

Ang Lagundî ay isang halamang gamot na ginagamit sa rayuma, ubo, hika at lagnat. Ito ay isang maliit na punongkahoy o kaya palumpong at umaabot sa 2-5 metro sa taas. Ang dahon nito ay nahahati sa 5 pang maliliit na leaflet na mabalahibo sa ilalim. Mayroon itong kulay bughaw o labanda na mga bulaklak na maaring mamukadkad sa anumang bahagi ng taon. Ang mga bunga nito ay maiitim pag hinog na. Karaniwang makikita ito sa Pilipinas sa mga masusukal na lugar. Mas mainam na paramihin ito sa pamamagitan ng pagtanim ng mga putol na sanga o tangkay.[1][2]

Sanggunian

  1. "Vitex negundo information from NPGS/GRIN". www.ars-grin.gov. Nakuha noong 2008-03-13.
  2. "Lagundi". www.stuartxchange.org. Nakuha noong 2008-10-16.

==Pagkilala==

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Lagundi. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.