Lagikway

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Template:Speciesbox

Ang lagikway[1] o Abelmoschus manihot[2] (Linnaeus) ay isang gulay na di gaanong alam sa Pilipinas. Isa itong halaman na ang talbos ang iniluluto katulad ng sa kamoteng baging. Isang mapapansing epekto nito sa tao ang pagpapalawig ng buhay sa mga matatanda, kapag malimit isinasama sa pang araw araw na lutuin. Madulas tulad ng saluyot subalit neyutral ang lasa kaya angkop sa maraming lutuin maging sa isda man o sa karne o ginataan.Dahil sa nyutral nyang lasa maari siyang gamitin sa halos lahat ng lutuin lalu na sa mga sinabawan at masasabing isa sa pinakamahalagang sangkap sa mga lutung pagkain sa Asya! Naitatanim sa pamamagitan ng tangkay o sanga nito at nabubuhay ng mainam sa maitim at buhaghag na lupain ng kaitaasan. Marami nito sa Kabikulan, Samar, Leyte, Mindanaw, Quezon at ilang liblib na bayan sa Pilipinas.

Sanggunian

  1. Lagikway, DOST.gov.ph
  2. "Abelmoschus manihot". Integrated Taxonomic Information System. Hulyo 20, 2008.

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Lagikway. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.