Labanang Quingua

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Labanan sa Quingua ay naganap noong Abril 23, 1899 sa ngayon ay bayan ng Plaridel sa Bulacan bilang bahagi ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Bahagi ito ng opensiba ni Heneral Elwell S. Otis sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga na nagsimula noong Abril 22.

Sa unang bahagi ng labanan, nagtagumpay ang mga Pilipino sa pamumuno ng batang heneral na si Gregorio del Pilar na pigilan ang hukbong Amerikano sa pamumuno ni Major J. Franklin Bell. Sa ikalawang bahagi ng labanan, tinulungan ng 1st Nebraskan Infantry ang hukbo ni Bell. Bagama't nagapi ang mga Pilipino, nagtagumpay naman ang mga ito na pigilan ang hukbong Amerikano na naging sanhi ng pagkamatay ni Colonel John M. Stotsenburg.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.