Labanan sa Pasong Tirad

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Labanan sa Pasong Tirad ay isa sa mga labanan ng Pilipino at Amerikano kung saan ang namuno sa mga Pilipino ay si Hen. Gregorio del Pilar.

Mga nangyari

Noong Disyembre 2, 1899, pinatakas ni Hen. Gregorio del Pilar si Hen. Emilio Aguinaldo sa kamay ng mga Amerikano. Mahigit 100 sundalo ang nakipaglaban sa mga amerikanong sundalo na tinatawag na "sharpshooters" dahil sa galing nilang humawak at gumamit ng armas tulad ng baril. Mahigit 50 sundalo naman ang namatay kasama na si Hen. Gregorio del Pilar. Pero nadakip pa rin ng mga Amerikano si Hen. Emilio Aguinaldo.

Napasailalim sa mga Amerikano ang bayan ng Concepcion sa Ilocos Sur noong unang araw ng Disyembre, 1899. Matatagpuan sa kabundukan ng Concepcion ang Pasong Tirad, kung saan nangyari ang labanan.

Sinasabing karamihan sa mga sundalong Amerikano ay beterano ng "Indian Wars" at magaling sa paggamit ng baril. Napabalita na mayroong napatay na 53 rebeldeng Pilipino at kabilang dito ay si Del Pilar.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.