Labanan ng Corregidor

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Labanan ng Corregidor na nangyari noong Mayo 5-6,1942 ang hudyat ng pagtatapos ng kampanya ng mga Hapones upang sakupin ang Komonwelt ng Pilipinas. Ang pagbagsak ng Bataan noong Abril 9, 1942 ang tumapos sa lahat ng mga organisadong oposisyon ng U.S. Army Forces Far East sa pananakop ng mga puwersang Hapones sa Luzon. Ang Corregidor ang tanging hadlang sa pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas sa ilalim ni Tenyente Heneral Masaharu Homma. Muling nabihag ng mga hukbong Amerikano at Pilipino ang Corregidor noong 1945.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.