La Masoneria

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Ang La Masoneria ay isang talumpati ni Jose Rizal na kaniyang binigkas noong 1890. Noong panahong iyon, naitalaga si Rizal bilang Grand Representative of the Masonry Body o kinatawan ng samahang Mason sa Alemanya at Pransya.

Sa kaniyang talumpati, binanggit ni Rizal ang tungkol sa mga tungkulin, ideolohiya at kasanayan. Ayon kay Rizal, ang tungkulin ng isang tao na matubos ang sangkatauhan. Magagawa ito kapag ang isang tao ay may dignidad.

Si Rizal bilang isang Mason

Unang natutunan ni Rizal ang tungkol sa masoneriya mula sa kaniyang tiyuhin na si Jose Alberto Alonso, ang kapatid ng kaniyang ina. Sa murang edad, pinangarap na ni Rizal na makapaglakbay sa malalayong lupain katulad ng ikinukuwento ng kaniyang tiyuhin.

Naging kasapi ng masoneriya si Rizal sa Madrid noong 1890. Sa pamamagitan ng samahan, nakilala ni Rizal ang isang grupo ng mga intelektuwal sa Europa.

Mga Salin

Isinalin ni Michael Goldenberg ang talumpati ni Rizal sa wikang Ingles at nalathala sa pamagat na "Science, Virtue and Labor" noong ika-19 ng Hunyo 1956 sa Maynila.

=Mga Sanggunian

  • Gagelonia, Pedro A. Rizal’s Life, Works, and Writings. Navotas, Rizal: Navotas Press, 1974.
  • “José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda (June 19, 1861 – December 30, 1896) Hero. Martyr. Freemason.” Samuel Kusangpalo. [1] (Accessed on August 21, 2011).
  • “Rizal the Mystic.” Pinoy Fraternity. [2] (Accessed on August 21, 2011).

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.