Kutsinta

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
0255jfCaloocan City Barangays Streets Grace Park Manilafvf 05.jpg

Ang Kutsinta ay isa sa mga paboritong pagkain ng mga Pilipino. Maaari itong lutuin sa bahay o kaya naman ay mabili sa mga naglalako o nagtitinda sa kalye. Kadalasan, kasama itong inihahanda ng puto.

Mga Sangkap

  • isang tasa ng all-purpose flour
  • isang tasa ng asukal na pula
  • Mga tasa ng tubig
  • 1 kutsaritang lihia o lye water
  • ilang patak ng dilaw na food color
  • ginayat na niyog

Proseso

Sa paggawa ng kutsinta, una, pakuluin muna ang tubig mula sa steamer. Sa isang lalagyan, paghaluhaluin ang mga sangkap maliban sa ginayat na niyog. Haluin ang mga sangkap hanggang sa maging banayad ito at walng buo-buo. Pagkatapos ay salain ito. . Ilagay ang mga hinalong sangkap sa maliliit na muffin pan, kalahati bawat isang pan. I-steam ang nahalong sangkap ng mga sampu hanggang dalawampung minuto. Palamigin ito ng mga limang minuto at pagkatapos ay maaari na itong tanggalin sa pan. Ihanda ito kasama ng ginayat na niyog.

Sanggunian


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.