Kumbensiyong Tejeros

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Kumbensiyong Tejeros ay ang pagpupulong ng Magdiwang (partido ni Andres Bonifacio) at ng Magdalo (partido ni Emilio Aguinaldo) na ginanap noong 22 Marso 1897 sa Tejeros, Rosario, Cavite. Isinagawa rito ang unang botohan sa pagpili ng pangulo ng Katipunan upang magkaroon ng bagong gobyerno. Tinawag na Tejeros Convention ang pulong. Dito pinagtaksilan ng ilang miyembro ng Katipunan si Bonifacio sapagkat ang botohan ay ginanap sa Cavite, na sakop ng partido ni Aguinaldo. Nanalo si Aguinaldo na ikinasama ng loob ng Supremo.

Sanggunian

Malacañan Palace Presidential Museum & Library. “Tejeros Convention.” http://malacanang.gov.ph/tejeros-convention/. Accessed 20 Disymbre 2021.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.