Kumandong Nakaiskwat (dula)

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Kumandong Nakaiskwat ni Renerio R. Concepcion ay nagwagi ng Ikalawang Gantimpala, Kategoryang Dulang May Isang Yugto, sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature 2012.

Ang mga naging hurado para sa Kategoryang Dulang May Isang Yugto ay sina Manuel R. Buising (Tagapangulo), Glecy C. Atienza, at Elmer L. Gatchalian.

Lagom

Tatlong seminarista ang pinarurusahan sa iba't ibang dahilan ang matatagpuang nakaiskwat sa basketball court ng isang seminaryo sa dulang Kumandong Nakaiskwat. Ang isa'y nasa ikaapat na taon na, si Ramil. Si Eman nama'y nasa ikatlong taon ng pagiging seminarista at may tiyo ring pari. Ngunit ang pinakabata sa kanila, si Bey, ay nasa unang taon pa lang.

Sa pag-uusap na magaganap sa tatlo habang tumatakas-takas o nagrerelaks-relaks kapag hindi nakatingin ang mga pari, lalantad ang iskema ng kalaswaang nagaganap sa loob ng kanilang seminaryo.

Hinuhubog ni Eman si Bey na maging katulad niya—malaswang magsalita ngunit walang ginagawan ng pisikal na pang-aabusong sekswal at wala ring nagtatagumpay na isagawa ang gayon sa kanya. Kaiba kay Ramil na sadyang bihasa na sa gayong kalakaran sa loob ng seminaryo.

Malalantad sa usapan na bago pala maganap ang pag-iiskwat nilang tatlo ay nagawa nang madonselya ni Ramil si Bey.

Mga Panlabas na Kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Kategorya:Buhay at Sining Kategorya:Panitikan Kategorya:Dulang May Isang Yugto Kategorya:Manunulat