Kubrador (pelikula)

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Kubrador (Ingles na pamagat: The Bet Collector) (2006), ay isang pelikulang Pilipino na nakasentro jueteng, isang sugal na nagmula pa noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.

Balangkas

Nakatuon ang kuwento sa tatlong araw sa buhay ni Amelita (ginampanan ni Gina Pareno), isang kubrador para sa bawal na sugal na jueteng. Araw-araw siyang nangongolekta ng mga taya mula sa kanyang mga regular na mga parokyano sa kabila ng pagpuksa ng pamahalaan sa larong ito. Isang araw, nahuli siya ng pulis. Nasama siya sa iba pang mga kubrador sa himpilan ng pulis hanggang nagpiyansa ang kanyang protektor.

Nang kinaumagahan, patuloy pa rin si Amelita sa kanyang mga ilegal na gawain. May isang Katolikong pari ang nakilala niya na nagsabing namatay sa isang aksidente ang kapitbahay niyang bata pa. Hiniling ng pari na mangolekta siya ng mga donasyon mula sa mga kapitbahay at mga kaibigan. Pagkatapos noon, isang serye ng mga pangyayari ang nagbago sa kanyang maka-mundong buhay sa isang masalimuot na laro ng buhay, kapalaran at kamatayan.

Produksiyon

Mga Tauhan

Direksiyon

Pagpapalabas

Bansang pinalabas[1] Petsa Tanda
Canada 8 Setyembre 2006 Ipinalabas sa Toronto Film Festival
Pilipinas 3 Nobyembre 2006 Ipinalabas sa Cinemanila Film Festival
Pransiya 11 Nobyembre 2006 Ipinalabas sa Amiens International Film Festival
Estonia 2 Disyembre 2006 Ipinalabas sa Tallinn Black Nights Film Festival
Poland 20 Hulyo 2007 Ipinalabas sa ERA New Horizons Film Festival
Estados Unidos Enero 10 at 11, 2008 Ipinalabas sa Museum of Modern Art

Sanggunian