Kristine Hermosa

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Kristine Hermosa Orille ngunit mas kilala bilang si Kristine Hermosa ay isang Pilipinang aktres. Kilala siya bilang isa sa mga nagtataglay ng magandang mukha sa syobis.

Pinagmulan

Ipinanganak noong 9 Setyembre 1983 sa Lungsod ng Quezon, siya ay anak ng isang Pilipino, si Maximillian Orille, at isang Espanyol at mestisang ina, si Maria Alma Hermosa. Ang kanyang ate, si Kathleen, ay isa ring artista.

Pag-aaral

Nag-aral siya sa Querino Elementary School at sa St. Anthony School noong kanyang elementarya. Nang lumipat ang kanyang pamilya sa Laguna, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Colegio de San Pedro para tapusin ang elementarya at magsimula sa hayskul. Nang pumasok na siya sa syobis, kinailangan nilang bumalik ng Maynila at dito ay nag-aral na rin siya sa ABS-CBN Distance Learning School at tinapos ang hayskul sa Liberty High School at nang magkolehiyo ay lumipat sa Robertstown University. Dito ay kumuha at nakatapos siya ng Associate Degree in Arts.

Sa Syobis

Simula

Ang kanyang ateng si Kristine ang nais talagang mag-artista. Nang sumubok ang ate niya sa isang palabas sa ABS-CBN, hindi ito nagustuhan ng mga hurado. At nang makita pa si Kristine, siya ang inanyayahang sumubok dahil sa kanyang tangkad at ganda.

Taong 1997 nang magsimula sa pag-aartista, ipinareha siya kay Baron Geisler. Nang sumunod na taon, nasama sila sa pelikulang Nagbibinata. Pagkatapos ay isinama siya sa dramang Sa Sandaling Kailangan Mo Ako, na pinapalabas tuwing linggo, at ang kanyang kapareha ay si Marvin Agustin. Dito ay nagkaroon siya ng magagandang reaksyon mula sa iba't ibang tao para sa pagganap bilang isang babaeng limang taon ang agwat sa kanyang tunay na edad. Dito niya ipinakita ang kanyang kakayahan sa pag-arte.

Pagsikat

Sumikat siya nang husto nang maging bida siya sa teleseryeng Pangako Sa 'Yo, at nakapareha niya si Jericho Rosales. Maging ang kanilang tambalan ay sumikat kung kaya naman nagkaroon pa sila ng mga sumunod na proyekto sa telebisyon at pelikula.

Buhay Pag-ibig

Sa kanilang pagsasama ni Jericho Rosales sa teleseryeng Pangako Sa 'Yo, ay naging tunay silang magkarelasyon. Ngunit napabalitang nagkahiwalay sila habang ginagawa ang pelikulang Ngayong Nandito Ka. Nadikit din siya kay Diether Ocampo habang ginagawa nila ang teleseryeng Sana'y Wala ng Wakas. Napabalitang nagpakasal ang dalawa ngunit hindi sa simbahan. Matapos kumalat ang intrigang iyon, pinagbidahan nila ang isang teleseryeng pinamagatang 'Til Death Do Us Part. Ngunit hindi ito naging matagumpay. Nagkaroon pa sila ng isang teleserye kasama naman si Rica Peralejo.

Matapos nito ay nagkaroon siya ng panibagong kapareha sa katauhan ni TJ Trinidad para sa Gulong ng Palad na bersyon sa telebisyon.

Ang pinakahuli at kasalukuyan niyang programa sa telebisyon ay ang Prinsesa ng Banyera. Dito ay nakasama niya ang anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie, si Oyo Sotto na iniuugnay rin sa kanya matapos silang magkasama sa pelikulang Enteng Kabisote.

Mga Palabas sa Telebisyon na Tinampukan

  • Prinsesa ng Banyera (2007)
  • Your Song: Christmas is (2007)
  • Sineserye presents: Palimos ng Pag-ibig (2007)
  • Love Spell: Click na Click (2007)
  • Gulong ng Palad (2006)
  • Til Death Do Us Part (2005)
  • Sana’y Wala Nang Wakas (2003)
  • Pangako sa ‘Yo (2002)
  • Sa Sandaling Kailangan Mo Ako (1998)
  • Gimik (1996)

Mga Pelikulang Tinampukan

  • My Big Love (2008)
  • Enteng Kabisote 4: The Beginning of the Legend (2007)
  • Enteng Kabisote 3: The Legend Goes On and On and On (2006)
  • Wag Kang Lilingon (2006)
  • Enteng Kabisote 2: Okay ka fairy ko… The Legend Continues (2005)
  • Enteng Kabisote:Okay ka fairy ko… (2004)
  • Bcuz of U (2004)
  • All My Life (2004)
  • Ngayong Nandito Ka (2003)
  • Forevermore (2002)
  • Dugong Aso: Mabuting Kaibigan, Masamang Kaaway (2001)
  • Trip (2001)
  • Hostage (2001)
  • Pera o bayong (Not da TV)! (2000)
  • Mahal na kung Mahal (1999)
  • Gimik: The Reunion (1999)
  • Sa Sandaling Kailangan Mo Ako (1998)
  • Nagbibinata (1998)

Mga Inendorsong Produkto

  • HerBench
  • MaxiPeel
  • Head & Shoulders
  • Dari Creme
  • Kenny Rogers Rotissiers
  • Talk & Text
  • Chikka text
  • Ilustrazio Bags & Accessories
  • ABE College of Business
  • Street Jeans
  • Cinderella's Nafnaf
  • Bunny Jeans
  • Hapee Toothpaste
  • Mr. Donut

Sanggunian

Mga Panlabas na Kawing