Korina Sanchez

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Korina Sanchez

Si Korina Baluyut Sanchez o mas nakilala bilang si Korina Sanchez ay isa sa mga pinaka-respetadong tagapamahayag sa Pilipinas. Siya rin ay marami nang nakamit na karangalan bilang isa sa mga pangunahing tagapagbalita sa ABS-CBN, na kanyang pinaglilingkuran sa higit dalawang dekada na.

Pinagmulan

Isinilang noong ika-5 ng Oktubre 1964 sa Hong Kong, kung saan ang kanyang mga magulang ay nagkakilala. Ang kanyang inang si Celia ay isang mang-aawit habang ang kanyang ama naman, si Ramon, ay isang tagapamahala ng Ambassador Hotel. Siya ang pangalawa at natatanging babaeng anak sa pamilya. Ang kanyang pamilya ay pumunta ng Pilipinas at nagtayo ng negosyo ng mga karpet na ngayo'y naging matagumpay.

Sa kanyang elementarya at hayskul, siya ay nag-aral sa St. Theresa's College sa Lungsod Quezon. Nang siya ay magkolehiyo, lumipat siya sa Maryknoll (ngayo'y Miriam College, kung saan nakatapos siya ng Communication Arts. Nahilig siya sa pagsusulat, ngunit sa kabila nito'y naging aktibo rin siya sa iba pang mga bagay, katulad ng pag-awit, pag-arte, pagsasalita sa harap ng maraming tao, at pagsali sa varsity ng isports na volleyball. Ayon sa kanya, mahina siya sa Matematika kung kaya naman kinailangan pa siyang turuan ng kanyang katabi, na naguro rin sa kanya ng wikang Pranses. Tinapos niya ang kanyang French na kurso sa Alliance Francaise de Manille.

Pinangarap niyang sundan ang yapak ng kanyang ina, ngunit hindi naging ganoon ang kanyang kapalaran. Naniniwala siyang tinawag siya sa larangan ng impormasyon at komunikasyon. Ang panonood sa mas nauna sa kanya sa laranagn ng pagbabalita na si Loren Legarda, ay nakapag-udyok sa kanya na maging interesado rito at mag-aral sa isang paaralan na nagtuturo ng pagbabalita. Naisip niya na sa pamamagitan ng pagbabalita, magagawa niya ang dalwang bagay na kanyang hilig, ang pagsusulat at pagiging aktibo sa telebisyon. Hindi niya ipinaalam sa kanyang mga magulang na siya'y pansamantalang tumigil sa kolehiyo upang kumuha ng mga kurso sa rograms Philippines Incorporated. Iniwan niya ang kanyang pamilya sa maikling panahon matapos siyan magsimulang maghanapbuhay.

Pamamahayag

Nagsimula siya bilang tagapag-ulat ng panahon sa PTV-4 (na ngayo'y NBN-4 na) sa ilalim ni Greg Cendaña. Mula roon ay naging taga-anunsyo naman siya ng balita kada oras, sumunod bilang tagapagbalita sa iba't ibang mga lugar, at kasama ng mga mas nauna sa kanya. Naging bahagi siya ng mga tagapagbalita ng ABS-CBN nang magbukas muli ito noong 1986 mataois ipasara ng dating pangulong Ferdinand Marcos. Naging ehekutibong prodyuser siya at host ng ilang mga programa katulad ng Magandang Umaga Po kasama ang ngayo'y pangalawang pangulo ng bansa, si [Noli de Castro]], Bayan Ko Sagot Ko, Hoy Gising!, Options, Balitang K, Isyu 101, at Pulso: Aksyon Balita.

Nang kumandidato si de Castro sa puwesto sa gobyerno noong 2001, ibinoto naman si Sanches ng departamento ng balita ng ABS-CBN bilang tagapagkilala ng mga balita sa programang TV Patrol.

Taong 2003 nang siya ay pinakiusapang pansamantalang makasama bilang host ang aktres na si Kris Aquino sa isang programa. Naging matagumpay ang kanilang pagsasama kung kaya naman ang dapat na dalawang linggo lamang na pagsasama ay naging 16 na buwang programa. Ang Morning Girls with Kris and Korina ay natapos noong Mayo ng 2004 matapos ibigay kay Sanchez ang bagong programang tuwing Linggo lamang ipalalabas. Ito ay ang Rated K: Handa na ba Kayo?, na hanggang ngayon ay ipinalalabas pa rin.

Mayroon din siyang karera sa radyo sa pamamagitan ng istasyon sa radyo ng ABS-CBN sa Kalakhang Maynila, ang DZMM. Nagkokomento siya tungkol sa kalagayan ng Pilipinas pagdating sa pulitika at lipunan. Kasama niya rito si Ted Failon, na simula niyang nakatambal sa programang Hoy Gising!. Ang kanilang programa ay unang pinamagatang Aksyon Ngayon, ngunit pinalitan na Tambalang Failon at Sanchez. Nang maupo si Failon bilang Kongresista sa unang distrito ng Leyte, naiwan ang programa kay Sanchez kung kaya naman pinalitan ito patungong Korina sa Umaga. Tatlong taon pagkatapos nito, naibalik ito muli sa Tambalang Failon at Sanchez nang piliin ni Failon na hindi kumandidato para sa panibagong termino.

Taong 2004 nang sila'y maging magkarelasyon nang kasalukuyan noong kumakandidato sa pagka-Senador na si Mar Roxas. Noon ding taong iyon ay yumao ang kanyang mga magulang sa pagitan lamang ng tatlong buwan, ang kanyang ina mula sa kanser habang ang kanyang ama naman ay mula sa ilang beses na pagkakastroke. Naalis din siya sa TV Patrol matapos itong matalo ng katapat na programa, ang 24 Oras ng GMA, sa reytings. Subalit sa kabila nito ay hinirang naman siya bilang Chief Correspondent ng istasyon para sa Philippine & Global Operations.

Matapos ang halos dalawang taong pamamahinga sa pagbabalita, nagbalik siya bilang tagapagkilala ng balita sa Bandila, ang programang pumalit sa Insider na ipinalalabas tuwing gabi. Ang programang ito ay nagsimula noong ika-3 ng Hulyo 2006 na pangunahing balita ang pagtalikod ni Danny Lim sa pagsuporta sa Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ipinagdiwang ng ABS-CBN News Channel ang isang dekada nitong pagsasahimpapawid noong ika-10 ng Hulyo 2006. Ipinakilala ang mga bagong programa na makatutulong upang makapagbigay lalo ng balita ang istasyon na ito. Kabilang dito ang isang diskusyong ginaganap sa tanghali ngunit ineere rin sa gabi, ang Korina Today, na kanya siyempreng pinangungunahan.

Siya rin ay palaging nakakasama bilang isa sa mga nais ng karamihan na tumakbo sa pagka-Senador. Ang kanyang pangalan ay kabilang sa 12 na personalidad para sa pagka-Senador base na rin sa mga sarbey na ginawa ng Pulse Asia at Social Weather Stations. Ngunit patuloy niyang tinatanggihan ang mga alok mula sa iba't ibang partido sa pulitika, sa pag-iisip na mas mabuti pa ring manood na lamang ng napakagulong mundo nito.

Isang linggo siyang nasuspinde ng ABS-CBN na sinimulan noong ika-21 ng Disyembre 2006, kasama na ang kanyang mga palabas sa telebisyon at sa radyo. Ito ay sinasabing dahil sa pagkakaugnay sa isang kompanya na nagpoprodyus ng mga konsiyerto ng bandang MYMP.

Mga Parangal

Mga Kumilala

Mga Nakuha

  • Best Female Newscaster
  • Favorite Female Personalities
  • Women of Style and Substance
  • Most Admired Female Personalities
  • Pipol of the Year
  • Best Radio Program
  • Best Talk Show Host
  • Best Magazine Show Host
  • Best News Anchor
  • Best AM Announcer

Mga Tinampukang Palabas sa Telebisyon at Radyo

Panlabas na Kawing

Sanggunian

winnable with Korina?". The Manila Times. 24 January 2008.] (hinango noong 16 Mayo 2008)

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.