Kongreso ng Malolos

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Malolos Congress.

Ang Kongreso ng Malolos o pormal na kinikilala bilang "Pambansang Asambleya" ng mga kinatawan ay ang asambleya ng mga nahalal ng Unang Republika ng Pilipinas. Sila ay nagtipon-tipon sa Simbahan ng Barasoain sa Lungsod ng Malolos, Bulacan. Ito ang siyang bumuo ng Konstitusyong Malolos.

Ang kongresong ito ay hindi higit pa sa isang pakitang tao lamang. "Ito ay para maipakita sa mga dayuhang korespondyente na ang mga Pilipino ay sibilisado, ngunit ang karamihan sa mga gawain ng pagbubuo ng bansa ay ginagawa sa Katedral ng Malolos ng sangay ehekutibo ng pamahalaang pinamumunuan ni Emilio Aguinaldo, na siya ding namumuno sa hukbong lumalaban sa mga Amerikano," ayon sa manananggol na si Cris Santiago na dating pangulo ng Samahang Pangkasaysayan ng Bulacan.

Konstitusyong Pulitikal

Matapos ang pagpapahayag ng kasarinlan mula sa Espanya noong ika-12 Hunyo, 1898, at ang pagbabago mula sa pamahalaang diktaturya tungo sa pamahalaang rebolusyonaryo noong ika-23 Hunyo, isinagawa ang halalan ng Kongreso ng Malolos mula ika-23 Hunyo hanggang ika-10 Setyembre. Noong ika-15 Setyembre 1898, nagpulong ang rebolusyonaryong kongreso sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, kung saan Pangulo si Pedro Paterno at Ikalawang Pangulo si Gregorio S. Araneta. Pagkatapos nito, nagpasiya ang Kongreso na bumuo ng Saligang Batas, na siyang tinutulan ni Apolinario Mabini, punong ministro ng pamahalaang rebolusyonaryo (Pangulo ng Konseho ng Pamahalaan). Ang nabuong Konstitusyon ng Malolos ay ipinagtibay noong ika-29 Nobyembre 1898, nilagdaan bilang batas noong ika-23 Disyembre, inaprubahan noong ika-20 Enero 1899, at pinahintulutan ni Emilio Aguinaldo noong ika-21 Enero, at ipinatupad noong ika-22 Enero. Ipinahayag ng dokumento na ang mamamayan ay may natatanging soberanya. Ipinahayag din ang mga pangunahing karapatang pantao, ang paghihiwalay ng simbahan at estado, at tumatawag sa pagbubuo ng Asambleya ng Mga Kinatawan o Pambansang Asambleya na siyang gaganap bilang sangay lehislatibo.

Mga sesyon

  • Sesyong regular: Setyembre 15, 1898 - Nobyembre 13, 1899
  • Sesyong natatangi: Pebrero 4, 1899

Mga naisabatas

Mga malalakihang batas

Batas Itinupad Pinagtibay
Pagpapahayag ng Kasarinlan Hunyo 12, 1898 Setyembre 29, 1898
Kapahayagan ng Digmaan laban sa Estados Unidos June 2, 1899 June 2, 1899

Konstitusyon ng Malolos

Template:Main

Malolos Constitution<ref name=guevara2005pp104-119>
Inaprubahan Pinatupad
January 21, 1899 January 22, 1899

Pamunuan

  • Pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo/Unang Republika ng Pilipinas:
Emilio Aguinaldo y Fámy
  • Punong Ministro ng Pamahalaang Rebolusyonaryo/Unang Republika ng Pilipinas (Pangulo ng mga Konseho ng Pamahalaan):
Apolinario M. Mabini
Pedro A. Paterno hinalal noong May 7, 1899
  • Pangulo ng Pambansang Asambleya (ng mga Kinatawan)
Atty. Pedro A. Paterno - Pedro A. Paterno ng Santa Cruz, Manila
  • Ikalawang Pangulo ng Pambansang Asambleya (ng mga Kinatawan)
Gregorio Araneta
  • Kalihim ng Pambansang Asambleya (ng mga Kinatawan)
Atty. Pablo Roque Tecson - Pablo Roque Tecson: Atty. Pablo R. Tecson ng Balanga, Bataan at Atty. Pablo de Leon Ocampo: Pablo Ocampo ng Quiapo, Manila.

Mga kasapi ng Konseho ng Pamahalaan (Gabinete)

  • Kalihim ng Pananalapi:
Mariano Trías y Closas
Hugo Ilagan elected on May 7, 1899
  • Kalihim ng Interior:
Teodoro Sandico
Severino de las Alas elected on May 7, 1899
  • Kalihim ng Digmaan:
Baldomero Aguinaldo y Baloy
Mariano Trías y Closas elected on May 7, 1899
  • Kalihim ng Kagalingan:
Gracio Gonzaga
  • Kalihim ng Ugnayang Panlabas:
Apolinario Mabini y Maranan
Leon Ma. Guerrero - Leon Maria Guerrero elected on May 7, 1899
  • Kalihim ng Kautusang Pampubliko:
Aguedo Velarde
  • Kalihim ng Pagawaing Bayan Komunikasyon:
Maximo Paterno
  • Kalihim ng Pagawaing Bayan Komunikasyon:
Leon Ma. Guerrero - Leon Maria Guerrero

Mga Kinatawan

Mga sundalo ng Hukbong Rebolusyonaryong Pilipino habang nasa sesyon ang kongreso.

Kabilang sa mga 85 delegado na nagtipon sa Malolos ay 43 abogado, 17 manggagamot, limang parmasiyotiko, tatlong guro, pitong mangangalakal, apat na pintor, tatlong sundalo, isang pari at apat na magsasaka.

Emilio Aguinaldo (nakaupo, gitna) at sampu sa mga delegado ng unang Asambleya ng Pilipinas.

Listahan ng mga Kinatawan ng Pambansang Asambleya (kasapi) kada probinsya noong Hulyo 7, 1899.

Probinsya Hinalal Tinalaga
Manila 4 0
Batangas 4 0
Bulacan 4 0
Cavite 4 0
Camarines 4 0
Ilocos Sur 3 1
Ilocos Norte 6 0
Laguna 4 0
Pampanga 4 0
Pangasinan 2 2
Iloilo 0 4
Cebu 0 4
Leyte 0 4
Albay 4 1
Cagayan 1 2
Bataan 3 0
Isabela 2 1
Union 1 2
Nueva Ecija 3 0
Tarlac 3 0
Zambales 2 1
Sorsogon 0 3
Negros Occidental 0 3
Negros Oriental 0 3
Samar 0 3
Capiz 0 3
Antigua 0 3
Bohol 0 3
Zamboanga 0 3
Misamis 0 3
Calamianes 0 3
Masbate 0 3
Mindoro 1 2
Morong 2 0
Lepanto 3 0
Batanes Islands 1 1
Nueva Vizcaya 1 1
Abra 1 0
Padre Burgos (Benguet) 1 2
Catanduanes 0 2
Paragua 0 2
Kabuuan 68 68
136

Mga Sanggunian