Komisyong Schurman

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Komisyong Schurman (tinatawag ring First Philippine Commission o Schurman Commission) ay isang grupong binuo sa Estados Unidos noong Enero 20, 1899 para pag-aralan ang kondisyon ng Pilipinas at magbigay ng mga rekomendasyon kung paano mapapabuti ng Amerika ang kalagayan sa Pilipinas matapos itong isuko ng Espanya noong 1898.

Pinamunuan ni Dr. Jacob Gould Schurman, isang Amerikanong akademiko na noon ay tagapangulo ng Cornell University ang komisyon, na binubuo ng limang miyembro.

Sa kanilang ulat, inilabas ng Komisyon ang mga layuning žgagabay sa pagsakop sa bansa:

  • Pagpapatupad ng soberaniyang Amerikano sa buong bansa
  • Pagbibigay ng sariling pamunuan sa bansa na magpapanatili ng kapayapaan at maayos na lipunan
  • Pagtatanggol sa mga karapatan ng mga Pilipino
  • Pagsasaayos ng kalagayan ng mga mamamayan

Matapos ang kanilang pagbisita sa Pilipinas, sinabi ng Komisyon na hindi maaring iwan ng Estados Unidos ang Pilipinas dahil hindi pa handa ang mga ito para sa kalayaan.

Mga Sanggunian

  • Agoncillo, Teodoro (1974). Introduction to Philippine History.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.