Kitchie Benedicto

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Kitchie Benedicto-Paulino ay isang Pilipinong produsyer at direktor ng mga palabas sa telebisyon. Kilala siya sa Superstar na lingguhang musical series at iba pang mga palabas sa telebisyon noong panahon ng martial law sa Pilipinas.

Kilala rin si Benedicto bilang produser ng sikat na sitcom na John and Marsha na pinagbidahan nina Dolphy at Nida Blanca. Siya rin ang produser ng Vilma in Person ni Vilma Santos, Two Plus Two nina Vic Sotto, Dina Bonnevie Maricel Soriano at Herbert Bautista, Pipwede ni Tirso Cruz III, Kaluskos Musmos at Buhay Artista ni Dolphy.

Isa rin siya sa mga producer ng John En Shirley na pinagbidahan nina Dolphy, Susan Roces at Maricel Soriano noong 2006.

Pumanaw si Benedicto noong ika-4 ng Agosto sa edad na 74.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.