Kinilaw

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Kinilaw (Picture from ([1]).

Ang Kinilaw ay pagkaing hindi niluluto sa apoy. Ito'y katulad ng sashimi ng mga Hapon at ng Ceviche ng Timog-Amerika. Ang kilawin ng mga Bisaya ay gumagamit ng sariwang isda samantalang ang sa mga Ilokano at Kapampangan ay kambing.

Ang Kinilaw ay maaaring ang pinakalumang kilalang paraan ng pagluluto na ginamit ng mga sinaunang tao sa Pilipinas. Ngayon, ang ilang rehiyon sa Visayas at Mindanao ay gumagamit pa rin ng mga prutas na tulad ng tabon-tabon at dungon; ginagayat, pinipiga at binababad ang gitna ng prutas sa tubig at pagkatapos ay lilinisin ang isda sa pinagbabarang tubig bago ito ihalo sa iba pang mga sangkap. Ito raw ang isang proseso na sinasabi ng ilan na lalong nagpapasarap sa kinilaw.

Sangkap ng Kinilaw

Ang mga sangkap na ginagamit sa kinilaw ay maaaring mag-iba-iba, depende sa panahon at rehiyon. Ngunit ang mga sumusunod ay ang mas malimit na gamitin:

  • Pagkaing-dagat: talaba, tulya, alimango, maliliit na hipon o suaje, sea cucumber, pusit at sea urchin
  • Isda: bangus, tanigue, malasugi, pompano, tuna, kingfish, at dorade
  • Suka: tuba at paombong
  • Iba pang pampaasim: kalamansi, dayap at kamias
  • Pangunahing sangkap: asin, luya, sili, sibuyas, gata ng niyog
  • Prutas: hilaw na mangga, papaya, pipino, sinigwelas, star fruit
  • Gulay: labanos, jicama, sea weeds
  • Iba pang sangkap na maaaring idagdag: kamatis, tausi, bawang

Sanggunian

  • Besa, Amy at Romy Dorotan. Memories of Philippine Kitchen: Stories and Recipes From Far and Near. New York: Stewart, Tabori and Chang, 2006.
  • Sarap Pinoy: Mga Lutuing Pilipino. Pasig City: Anvil Publishing Inc., 1995.
  • Bikol Express. (Hinango noong 25 Abril 2008).

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.