Kinatay

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Kinatay o Kinatay (The Execution of P.) ay isang pelikulang Pilipino na binibidahan nina Mercedes Cabral, Maria Isabel Lopez, Julio Diaz at Coco Martin. Ito ang opisyal na lahok ng Pilipinas sa ika-62 Cannes International Film Festival noong 2009. Sa pamamagitan ng pelikulang ito, naparangalan si Brillante Mendoza bilang pinakamahusay na direktor sa nasabing festival at nag-angat ng pangalang Pilipinas sa buong mundo sa larangan ng pelikula.

Kinatay
160px

{{#ev:youtube|j9atrfGIC5c|250}}
Director: Brillante Mendoza
Writer: Armando Lao
Starring: Mercedes Cabral
Maria Isabel Lopez
Coco Martin
Julio Diaz
Music : Jimmy Fabregas
Cinematography : Tomulo Araojo
Editing : Ike Jarlego, Jr.
Released: 2009
Country: Philippines
Language: English
Tagalog
Filipino



Buod

Umiikot ang kwento ng pelikula sa buhay ng isang estudyante na nagngangalang Peping (ginagampanan ni Coco Martin). Nais niyang pakasalan ang kanyang kasintahan ngunit wala siyang sapat na pera para gawin ito. [1] Dahil dito, napilitan siyang tanggapin ang isang trabahong alok sa kanya ng kanyang kaibigang si Abiong (ginampanan ni Jhong Hilario) nang hindi inaalam kung ano ito kapalit ng malaking halaga. Huli na nang kanyang malaman na ang trabahong kanyang pinasukan ay may kinalaman sa pagpatay sa isang babaeng bayaran (ginampanan ni Maria Isabel Lopez).

Mga pangunahing tauhan

Ang mga sumusunod ang mga pangunahing tauhan ng pelikula [2];

Mga tao sa likod ng kamera

Ang mga sumusunod ang mga tao sa likod ng tagumpay ng pelikula;

  • Director - Brillante Mendoza
  • Screeplay - Armando Lao
  • Cinematography - Odyssey Flores
  • Art Directors - Harley Alcasid at Deans Habal
  • Production Design - Dante Mendoza
  • Original Music - Teresa Barrozo
  • Editor - Kats Serraon
  • Casting - Ed Instrella
  • Executive Producer - Didier Costet

Mga parangal

  • 62nd Cannes International Film Festival (2009)[3]
    • Pinakamahusay na Pelikula (Palm d'Or) (naihalal)
    • Pinakamahusay ng Direktor (nanalo)
  • Sitges International Film Festival (2009)
    • Pinakamahusay na Direktor (nanalo)
    • Best Original Soundtrack (nanalo)

Sanggunian


Panlabas na kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.