Kilusang Bagong Lipunan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Ang Kilusang Bagong Lipunan (KBL), (dating Bagong Lipunan Kilusan ng Nagkakaisang Nacionalista-Liberal, Atbp.) ay isang partidong politikal sa Pilipinas na itinatag ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Ito ay unang nabuo noong 1978 bilang isang koalisyon ng mga partidong sumusuporta kay Macros sa Batasang Pambansa. Ito rin ang ginamit niyang makinarya sa panahon ng kaniyang panunungkulan bilang pangulo at diktador. [1]

Narito ang mga opisyal ng KBL nang magsimula ito: [1]

  • Pangulo – Ferdinand E. Marcos
  • Kalihim Panlahat – Jose A. Roño
  • Ingat-yaman – Luis Yulo
  • Mga rehiyonal na tagapangulo:
  • Rehiyon I – Condrado Estrella
  • Rehiyon II – Juan Ponce Enrile
  • Rehiyon III – Eduardo Cojuangco
  • Rehiyon IV – Imelda Romualdez-Marcos
  • Rehiyon IV-A – Felisimo San Luis
  • Rehiyon VI – Roberto S. Benedicto
  • Rehiyon VII – Lorenzo Teves
  • Rehiyon VIII – Benjamin Romualdez
  • Rehiyon IX – Vicente M. Cerilles
  • Rehiyon X – Emmanuel Pelaez
  • Rehiyon XI – Antonio O. Floreindo
  • Rehiyon XII – Ali Dimaporo

Noong 1986, nang mapatalsik si Marcos sa kaniyang puwesto, ang KBL ay isinaayos.

Sa kasalukyan, ang abogadong si Jose Vicente R.M. Opinion ang chairman at pangulo ng KBL.[2]

Halalan 2022

Noong 24 Setyembre 2021, inendorso ng KBL si Bongbong Marcos bilang kanilang pangulo para sa Halalan 2022. [3] Gayunman, opisyal na kumakandidato si Marcos sa pagkapangulo sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas matapos itong sumapi at manumpa bilang chairman nito noong 5 Oktubre 2021. [4]

Mga Sanggunian

  1. 1.0 1.1 Kimura, Masataka. “Martial Law and Realignment of Political Parties in the Philippines(September 1972-February 1986): With a Case in the Province of Batangas.” Southeast Asian Studies, Vol. 29, No. 2, September 1991. https://repository.kulib.kyoto-u.ac.jp/dspace/bitstream/2433/56443/1/KJ00000131656.pdf. Accessed 18 Nobyembre 2021.
  2. “OFFICIAL KBL PARTY DISCLAIMER.” https://kbl.org.ph/disclaimer/. Accessed 18 Nobyembre 2021.
  3. Frances Mangosing. “KBL endorses Bongbong Marcos as presidential bet in 2022 polls.” Inquirer.net, 24 Setyembre 2021/ https://newsinfo.inquirer.net/1492278/kbl-endorses-bongbong-marcos-as-presidential-bet-in-2022-polls. Accessed 18 Nobyembre 2021.
  4. Neil Arwin Mercado. “It’s official: Bongbong Marcos, Sara Duterte running in tandem in 2022 elections.” Inquirer.net, 16 Nobyembre 2021. https://newsinfo.inquirer.net/1515954/breaking-its-official-bongbong-inday-sara-running-as-tandem-for-2022. Accessed 18 Nobyembre 2021.

==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.