Kayo ang Boss Ko

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang “Kayo ang boss ko” ay isa sa mga tumatak na pahayag ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III sa panahon ng kaniyang administrasyon (30 Hunyo 2010–30 Hunyo 2016). Ipinahayag niya ito sa kaniyang inagurasyon bilang pangulo noong 30 Hunyo 2010, kung saan tiniyak niya sa sambayanang Pilipino na hindi siya ang boss (bilang pangulo ng bansa) kundi ang mga pangkaraniwang tao na dapat pagsilbihan ng mga lingkod-bayan tulad niya.

“Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo. We will design and implement an interaction and feedback mechanism that can effectively respond to the people’s needs and aspirations.” “Kayo ang nagdala sa akin sa puntong ito – ang ating mga volunteers – matanda, bata, celebrity, ordinaryong tao, na umikot sa Pilipinas para ikampanya ang pagbabago; ang aking mga kasambahay, na nag-asikaso ng lahat ng aking mga personal na pangangailangan; ang aking pamilya, kaibigan at katrabaho, na dumamay, nag-alaga at nagbigay ng suporta sa akin; ang ating mga abogado, na nagpuyat para bantayan ang ating mga boto at siguraduhing mabibilang ang bawat isa; ang aking mga kapartido at kaalyado na kasama kong nangahas mangarap; at ang milyun-milyong Pilipinong nagkaisa, nagtiwala at hindi nawalan ng pag-asa – nasa inyo ang aking taus-pusong pasasalamat.”

- Pangulong Benigno S. Aquino III, 30 Hunyo 2010

Pinagkunan

“Inaugural Address of President Benigno S. Aquino III, June 30, 2010.” Official Gazette, 30 Hunyo 2010.https://www.officialgazette.gov.ph/2010/06/30/inaugural-address-of-his-excellency-benigno-s-aquino-iii/. Accessed 1 Marso 2022

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.