Kasuotang Panlibing ng Banton

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Tela ng kasuotang panlibing ng Banton

Ang tinaguriang pinakamatandang tela sa buong Timog Silangang Asia ay natagpuan sa yungib ng Banton sa isla ng Romblon sa Pilipinas. Ang kasuotang ito na ginagamit na kasuotang panlibing ng mga katutubo ay tinatayang ginagamit na noong 13 daang taon, bago pa man dumating ang mga mananakop na Espanyol. Itinuturing ng Pambansang Museo ng Pilipinas ang kasuotang ito bilang yaman ng bansa.

Ang Tela

Ang telang ito ay gawa sa kinulayang hibla ng abaca na masusing tinahi upang lumabas ang disenyo. Ang paraan ng pagkakatahi rito ay tinatawag na "ikat". Ang telang ito ay ginagawa sa katutubong paraan ng paghahabi na kilala sa timog bahagi ng Mindanao at sa Indonesia.

Isang palatandaan ang kasuotang panlibing na ito sa mayamang kultura ng mga taga Banton bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop. Patunay dito ang mga ritwal at pamamaraan ng pagbibigay galang ng mga tao sa pumanaw na kamag-anak. Isa ito sa mga katutubong bagay na dumadaan sa maraming ritwal, simula pagbubuo nito hanggang sa pagsusuot nito sa kanilang mga yumao.

Sa isla ng Banton matatagpuan ang iba't ibang kuweba na pinaglilibingan ng mga namatay - sa Nagoso, isla ng Cobrador at sa Kweba Guyangan na tumpak na lugar na pinaghanguan ng matandang tela. Makikita rin sa mga libingang ito ang mga matatndang kabaong at iba't ibang likhang sining na ginawa ng mga tao para sa kanilang mga inilibing.


Sanggunian


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.