Karlo Nograles

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Si Karlo Alexi Bendigo Nograles ay isang abogado at kasalukuyang Kalihim ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo R. Duterte mula noong Nobyembre 2018. Siya rin ay co-chair ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). Siya ay dating kinatawan ng Unang Distrito ng Lungsod Davao sa Kongreso mula 2010 hanggang 2018. Dati rin siyang tagapangulo ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger.

Kilala si Nograles bilang tagasuporto ni Duterte. Katunayan, isa siya sa mga humimok sa pangulo na tumakbo noong Halalan 2016. Dati siyang miyembro ng National Unity Party bago sumapi sa PDP-Laban noong 2017.

Pagkabata at Edukasyon

Si Karlo Nograles ay isinilang noong 3 Setyembre 1976 sa Lungsod Davao kina Prospero Nograles at Rhodora Burgos Bendipo Nograles. May tatlo siyang kapatid.

Siya ay nag-aral ng elementarya sa Ateneo de Davao University myla 1983 hanggang 1989, kung saan nagtapos siya bilang balediktoryan. Nag-aral siya ng sekundarya sa Philippine Science High School Main Campus hanggang 1993 at nagtapos nang may C.A.T. Leadership Award. Nagkolehiyo siya sa Ateneo de Manila University at nagtapos noong 1997 ng Bachelor of Science in Management Engineering at kumuha ng Juris Doctor degree sa Ateneo de Manila Law School noong 2003.

Napangasawa niya si Marga Montemayor Nograles at sila ay may tatlong anak.

Nagsimula si Nograles bilang chief of staff ng kaniyang ama, dating House Speaker sa Kongreso.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.