Karaban

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang karaban ay isang kariton na natatakpan ng tambobong o kamalig na nakakarga rito. Pinagsasabitan ito ng iba’t ibang paninda na gawa sa ratan at kawayan, tulad ng duyan, upuan, basket, banig, at bilao na mga kagamitang pambahay. Nagsisilbi ring silungan at pahingahan ng nagtitinda ang tambobong sa maghapong paglibot sa mga lansangan. May dala rin siyang kusinilya o lutuan, gasera o kandila, termos, at iba pang kagamitan. Ginagamit niya ang mga ito sa gabi kapag ipinarada na niya sa tabing-kalye ang karaban matapos ang maghapong paglalako.

Hanggang noong dekada 1980, karaniwang makikita sa mga lansangan ng Kamaynilaan ang karaban mula sa Pangasinan. Mula Disyembre hanggang Abril, tumutulak ang karaban patungo sa mga lungsod sa Katimugang Luzon.Sa paglipas ng panahon, unti-unting bumaba ang bilang ng mga biyahero ng karaban.

Sanggunian

C.N. Flores. “The Cattle Caravans of Ancient Caboloan (Interior Plains of Pangasinan): Connecting History, Culture, and Commerce by Cartwheel.” www.kunstkamera.ru/files/lib/978-5-88431-174-9/978-5-88431-174-9_20.pdf.==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.