Kapuluang Spratly

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Kapuluang Spratly o Spratly Islands ay isang kapuluan na nagtataglay ng mahigit-kumulang 100 maliliit na pulo na nasa Dagat Timog Tsina. Hindi alam at pinagtatalunan ang hanganan ng kapuluan. Bahagi ito ng Palawan, at napapalibutan ito ng dagat na mayaman sa isda at mga malalaking deposito ng langis. Dahil dito, pinag-aagawan ito ng iba't ibang bansa. Inaangkin ng mga bansang tulad ng Republikang Bayan ng Tsina (PRC), Republika ng Tsina (Taiwan), at Vietnam ang kabuuan ng kapuluan, habang ang mga bansang Brunei, Malaysia, at ang Pilipinas ay inaangkin ang iba't ibang bahagi.

Mga Isla at Bangkota na sa Pamamahala ng Pilipinas

Matatagpuan ang kapuluan sa Timog Silangang Asya, malapit sa karagatan ng mga bansang Vietnam at Pilipinas. Sa kasalukuyan, nasa ilalim ng pamamahala ng Pilipinas ang walong isla at tatlong bangkota (reef) sa kapuluan.

Pangalan sa Filipino Pangalang internasyonal Lawak Iba pang impormasyon
Pagasa Thitu Island 37.2 ha. (2nd largest) pag-asa o hope
Likas West York Island 18.6 ha. (3rd largest) líkas o natural o evacuate
Parola Northeast Cay 12.7 ha. (5th largest) parola o lighthouse
Lawak Nanshan Island 7.93 ha. (8th largest) lawak o vastness
Kota Loaita Island 6.45 ha. (10th largest) kota o fortress
Patag Flat Island 0.57 ha. (14th largest) patag o flat
Melchora Aquino Loaita Cay 0.53 ha. (15th largest) Ipinangalan sa bayaning si Melchora Aquino o kilala ring Tandang Sora
Panata Lankiam Cay 0.44 ha. (16th largest) panatâ o vow
Rizal Commodore Reef Ipinangalan sa bayaning si Jose Rizal
Balagtas Irving Reef Ipinangalan sa makatang si Francisco Balagtas
Ayungin Second Thomas Shoal Ayungín (Leiopotherapon plumbeus), isang uri ng isda

Kung ikukumpara sa ibang bansang umaangkin rin sa mga teritoryo sa kapuluan, nasa ilalim ng pamamahala ng Vietnam ang anim na isla, labimpitong bangkota at tatlong banks. Nasa ilalim naman ng pamamahala ng Taiwan ang isang isla at isang bangkota, habang ang Malaysia ay mayroong isang artificial na isla at limang bangkota, at ang Tsina ay may walong bangkota.

Mga Isla at Bangkota na walang Umaangkin

Bukod sa mga isla at bangkota na pinamamahalaan ng Pilipinas, mayroon ring mahigit dalawampung mga isla at bangkota na binigyan ng pangalan ng Pilipinas, bagama't hindi ito inookupahan ng bansa.

  • Amy Douglas Bank/Reef (Mahiwagang Diwata)
  • Bombay Shoal (Abad Santos)
  • Boxall Reef (Rajah Sulayman)
  • Carnatic Shoal (Sikatuna)
  • Director Shoal/Reef (Tamban)
  • Ganges Reef (Palma)
  • Glasgow Bank (Aguinaldo)
  • Half Moon Shoal (Hasa-hasa)
  • Hardy Reef (Sakay/Hubo)
  • Investigator Northeast Shoal (Dalagang Bukid)
  • Iroquois Reef (Del Pilar)
  • Leslie Bank (Del Pilar)
  • Lord Auckland Shoal (Lapu-Lapu)
  • Lys Shoal (Bisugo)
  • Northeast Shea Reef (Ponce)
  • Reed Tablemount (Recto)
  • Royal Captain Shoal (Kanduli)
  • Sabina Shoal (Escoda)
  • Sandy Shoal (Mabuhangin)
  • Seahorse Shoals/Routh Bank (Baybayin Dagat)
  • Stag Shoal (Panday Pira)
  • Southern Bank/Reef (Katimugan)
  • Templar Bank (Dalag)
  • Trident Shoal (Tatlong-tulis)
  • Viper North Shoal (Maya-maya)
  • Viper Shoal (Tomas Claudio)

Ang Munisipalidad ng Kalayaan

Nagsimula pa noong Mayo 1956 ang pamamahala ng Pilipinas sa Kapuluang Spratlys, nang makarating dito si Tomas Cloma, na siyang nagtatag sa munisipalidad na tinawag na Kalayaan (o freedom sa Ingles). Nakarating siya sa kapuluan kasama ang kaniyang mga kapatid at nasa 40 miyembro ng kaniyang grupo. Nang mapansing walang mga nakatira rito, o kaya bandila ng ibang bansa, nagdesisyon siyang itatag ang munisipalidad ng Kalaayan. Naglagay siya ng dokumento kung saan nakalista ang lahat ng mga bahagi ng kapuluan na kaniyang inangkin. Noong Setyembre 1956, matapos okupahin ng Tsina ang pinakamalaking isla, ang Ligao Island (Itu Aba), nagdesisyon si Cloma na ipagbili sa pamahalaan ng Pilipinas ang lahat ng kaniyang teritoryo sa halagang piso.

Naging bahagi ng lalawigan ng Palawan ang Kalayaan noong Abril 1972. Ang lokasyon ng Kalayaan ang naging batayan sa pagdedeklara ng 200-metrong Exclusive Economic Zone ng Pilipinas noong 1978, sa bisa ng Presidential Decree No. 1599. Unang nagpadala ng hukbo ang Pilipinas sa kapuluang Spratlys noong 1968. Unang inokupa ang malalaking isla tulad ng Pagasa (Thitu Island), Likas (West York Island), Parola (Northeast Cay), Kota (Loaita Island), Lawak (Nanshan Island) at Pugad (Southwest Cay). Inokupa rin ng Pilipinas ang mga isla ng Patag (Flat Island) at Panata (Lankiam Cay).

Mga Polisiya at Batas

Republic Act 9522

Ang Republic Act 9522, kilala rin sa tawag na Philippine Baselines Act ang nagtatakda sa baselines o hanggangan ng teritoryo ng Pilipinas. Ipinasa ito noong 2009.

2016 PCA Tribunal Ruling

Noong 2016, pinaboran ng Permanent Court of Arbitration (PCA) ang Pilipinas laban sa pang-aangkin ng Tsina sa mga teritoryo na nasa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone.

Isla ng Pag-asa

Sa kasalukuyan, tanging ang isla ng Pag-asa ang nasa buong pamamahala ng Pilipinas. Sa isla matatagpuan ang munisipalidad ng Kalayaan. Binubuo ng iisang barangay ang munisipalidad ng Kalayaan, at nasa 300 sibilyan at 40 sundalo ang nakatira rito. Sa sukat na 37 ektarya, nasa 500 tao lamang ang maaring manirahan sa Kalayan.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.