Kapistahan ng Tatlong Hari

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Sa pagdiriwang ng Feast of the Epiphany ay muling ipinapaalala sa mga kristiyano ang kabutihang-loob at pagbabahagi ng mga natatanggap na biyaya. Sumisimbolo ang pagdating ng Tatlong Hari sa pagdamay sa kapwa lalo na sa mga kapus-palad. Ang kaluluwa ng naturang selebrasyon ay ang diwa nang pagkakawanggawa sa pamamagitan ng handog ng Tatlong Hari sa sanggol na si Hesus.

Kasaysayan

Sina Gaspar, Melchor at Balthazar, kilala bilang Three Wise Men o Magi, ay nagmula pa sa isang malayong lugar at ginabayan ng isang anghel. Sinundan nila ang isang makislap na bituin na siyang nagdala sa kanila kay Hesus na ipinanganak sa isang hamak na sabsaban sa Bethlehem. Nasaksihan nila ang pagsilang ng mananakop na nakatakdang maging Hari ng sandaigdigan. Ang tinaguriang Three Kings na may kani-kaniyang handog na ginto, insenso at mira para sa sanggol na si Hesus ayon sa istorya sa Bibliya na sina Melchor, na ang ibig sabihin ay king of light, Gaspar na ang ibig sabihin ay ang the white one at si haring Balthazar na tinaguriang the lord of treasure ay nagbigay ng kanilang papuri sa dakilang Mesiyas. Ang Feast of Three Kings o Araw ng Tatlong Hari ay ang opisyal na pagtatapos ng selebrasyon ng Kapaskuhan sa Pilipinas. Kilala rin ito bilang Pasko ng Matatanda o Feast of the Elderly, ang araw kung saan dinadakila at binibigyan ng parangal ang mga nakatatanda.

Selebrasyon

Ang kapistahan ng Tatlong Hari na karaniwang tumatapat sa petsa ng Enero 6 ay ipinagdiriwang tuwing unang araw ng Linggo ng kasalukuyang taon. Sa loob ng daan-daang taon, sinasabing ang Tatlong Hari at hindi ang kinikilalang si Santa Claus ang orihinal na nagbibigay ng regalo sa mga bata. Nag-iiwan sila ng mga medyas at sapatos sa bintana ng kanilang tahanan at sabik na naghihintay sa mga regalong ibibigay ng Tatlong Hari sa kanilang pagdaan tungo sa Bethlehem. Maraming dekada na ang nagdaan simula nang mag-organisa ang Casino Espanol ng parada ng Tatlong Hari upang ipagdiwang ang naturang selebrasyon. Ang mga gumaganap sa papel na Tatlong Hari ay may magagarang kasuotan na nakasakay sa mga kabayo habang pumaparada . May mga regalong nakahanda para sa mga kabataan na ipinamimigay sa komunidad ng mga Espanyol at sa iba pang mga bata pagkatapos ng magarang parada.

Para sa mga Filipino na kilala sa pagkakaroon ng may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko, nagsisimula ito mula Disyembre 16 sa pagbubukas ng simbang gabi at nagtatapos sa unang linggo ng Enero na siyang Feast of the Epiphany.

Sanggunian

  • [1].(hinango noong Enero 7, 2008)
  • [2]. (hinango noong Enero 7, 2009)

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.