Kansilay Festival

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Kansilay Festival ay isang pagdiriwang na idinaraos sa Lungsod Bago, Negros Occidental. Kilala rin ang Kansilay sa tawag na El Cinco de Noviembre dahil sa petsa kung kailan sinisimulan ang siyam na araw na pagdiriwang. Ginagawa ito bilang paggunita sa isang mapayapang rebolusyon ng mga Negrense laban sa mga Espanyol, sa pamumuno ni Heneral Anacleto Araneta noong 1898.

El Cinco de Noviembre

Noong 1898 ay naging matagumpay sa pag-aaklas ang mga mamamayan ng lungsod ng Bago laban sa mga mananakop na Espanyol. Umatras ang mga kalaban nang makita ang mga Negrense na armado ng mga baril at kanyon na gawa lamang sa nipa at nirolyong sawali at pininturahan ng itim.

Kansilay

Ang piyesta ng Kansilay ay nagmula sa isang kwentong bayan na nagpapakita ng katapangan ng magandang prinsesa na si Kansilay. Ibinuwis ni Kansilay ang kanyang buhay para sa katarungan at kalayaan.

Pagdiriwang

Nagsisimula ang Kansilay Festival sa ika-5 ng Nobyembre at nagtatapos tuwing ika-13 ng nasabing buwan. Ipinagdiriwang ang Kansilay sa pamamagitan ng isang kapistahan ng pagkain, pagbabasa ng mga tulang Ilonggo at isang kumpetisyon sa pagsayaw at pagsasadula tampok ang puno ng Kansilay na may kulay lila na bulaklak.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.