Kanser

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang kanser (terminong pang-medisina: malignant neoplasm o lubhang mapaminsalang maga) ay isang uri ng sakit na kung saan nagpapakita ang mga pangkat ng sihay ng hindi mapigilang paglago (paghahati sa labas ng karaniwang hangganan), pagsalakay (panghihimasok sa at pagsira ng mga katabing tisyu), at minsan metastasis (pagkalat sa ibang mga bahagi ng katawan linpa (lymph) o dugo). Makikilala ang pagkakaiba ng tatlong mapaminsalang katangian ng kanser mula sa hindi mapaminsalang bukol (benign tumor), na mayroong sariling-hangganan, hindi sumasalakay o nagiging metastasis. Bumubuo ng bukol ang karamihan sa mga kanser ngunit may ilan na hindi, katulad ng lukemya. Onkolohiya ang sangay ng medisina na umiintindi sa pag-aaral, pagsusuri, paggamot, at pag-iwas sa kanser.