Kamikazee (banda)

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Kamikazee.

Ang Kamikazee ay isang bandang rock sa Pilipinas na nabuo noong 2000. Ang banda ay binubuo nina Jay Contreras, Led Tuyay, Jomal Linao, Puto Astete at Bords Burdeos. Sumikat ang grupo sa kanilang mga awiting “Narda”, “Chiksilog”, “Martyr Nyebera” at “Huling Sayaw”.

Kasaysayan

Unang nagkakilala ang mga miyembro ng banda sa College of Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas. Madala sa na sa UP Fair unang tumutugtog ang banda. Bago sila nagkaroon ng kontrata, tinawag nilang “Kamikazee Cornflakes” ang kanilang banda. Ilan sa mga una nilang tinutugtog ang kanilang sariling rendisyon ng mga awiting “Tsinelas”, “Sana Kahit Minsan” at “Lucky” ni Britney Spears.

Noong 2002, inilabas ng banda ang kanilang unang album na “Kamikazee”. Noong 2005, inilabas nila ang awiting “Chiksilog” na bahagi ng compilation album na “Rok On!”. Noong 2006, inilabas nila ang kanilang ikalawang album, ang “Maharot”, kung saan kabilang ang awitin na “Narda”. Sumikat ng husto ang banda dahil sa awiting ito at ginamit rin bilang soundtrack ng teleseryeng “Darna” sa GMA 7.

Malapit na magkaibigan ang bandang Kamikazee at Parokya ni Edgar. Nagsama ang ilang miyembro ng dalawang banda sa ilang mga awitin, kabilang na ang “Okatokat”, “Chikinini” at “Yes Yes Show”.

Noong 2009, inilabas ng banda ang kanilang ikatlong album, ang “Long Time Noisy”, at noong 2012, inilabas nila ang kanilang ikaapat at huling album, ang “Romantico”. Kabilang sa album na ito ang kanilang mga awiting “Halik” at “Huling Sayaw”.

Noong ika-25 ng Enero, inianunsiyo ng banda na magpapahinga sila sa pagtugtog simula 2016.

Noong 2017, inanunsiyo ng banda na babalik sila at maglalabas ng bagong awitin. Noong taon ding iyon, nagsimula ang “Tagpuan Tour” ng banda sa loob at labas ng Pilipinas. Nagkaroon rin sila ng reunion tour noong 2018 sa Pilipinas, Estados Unidos at Canada. Kasama ang bandang Greyhoundz at Queso, nagkaroon ulit ng tour ang banda sa Estados Unidos, Canada at Pilipinas noong 2019.

Mga Miyembro

  • Jay Contreras – lead vocals
  • Jomal Linao – lead guitar, co-lead and backing vocals
  • Led Zeppelin Tuyay – rhythm and lead guitars, backing vocals
  • Jason “Puto” Astete – bass guitar
  • Allan “Bords” Burdeos – drums, percussion


Discography

Studio albums

Year Album
2002 Kamikazee
2006 Maharot
2009 Long Time Noisy
2012 Romantico

Collaboration albums

  • Supersize Rock (Warner Music Philippines, 2004)
  • Kami nAPO muna (Universal Records, 2006)
  • The Biggest OPM Hits Of The Year SUPER (Universal Records, 2006)
  • Rok On (Viva Records, 2005)
  • Pinoy Ako 2 (Star Music, 2005)
  • Palabas: The Best Of OPM TV & Movie Themes (Universal Records, 2006)
  • Kami nAPO muna ulit (Universal Records, 2007)
  • Another Biggest OPM Hits Of The Year SUPER 2 (Universal Records, 2007)
  • Astig...The Biggest Band Hits (Universal Records, 2008)

Singles

  • From The Album Kamikazee (2002)
    • "Tsinelas"
    • "Girlfriend"
    • "Lucky" (cover from Britney Spears)
    • "Sana Kahit Minsan" (cover from Ariel Rivera)
  • From The Album Maharot (2006)
    • '"Chiksilog"
    • "Ambisyoso"
    • "Narda"
    • "Martyr Nyebera"
    • "Seksi Seksi"
    • "Director's Cut"
  • From The Album Long Time Noisy (2009)
    • "Wala"
    • "Hanggang Tingin"
    • "Unang Tikim"
    • "Alay"
    • "Meron Akong Ano" (cover from the late Francis M)
  • From The Album Romantico (2012)
    • "Halik"
    • "Tagpuan"
    • "Huling Sayaw" Feat. Kyla
    • "Wo-Oh"
    • "Tamis"
    • "Kislap"

Other singles

  • Theme song for First Day High film and Rexona commercial
    • "First Day High"
  • From The Album Kami nAPO Muna (2006)
    • "Doo Bidoo" – No. 1 Philippines
  • Theme Song for ABS-CBN's Komiks (TV series)
    • "Komiks"


Commercial Endorsements

  • Rexona
  • Teazz Ice Tea
  • Smart Buddy Me Na Me
  • Tanduay Rhum


References

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.