Kalinga
Matatagpuan sa Cordillera Administrative Region sa Luzon ang Kalinga. Tabuk ang kabesera nito at napapaligiran ng Mountain Province sa timog, Abra sa kanluran, Isabela sa silangan, Cagayan sa hilaga-silangan, at Apayao sa hilaga.
Dating bahagi ng lalawigang Kalinga-Apayao ang Kalinga. Pinaghiwalay ang Kalinga at Apayao upang mabigyang atensyon ang pangangailangang indibidwal ng dalawang tribong ito at parehong naging ganap na lalawigan bago pumasok ang taong 1995.
Estrukturang Pampolitika
Binubuo ng walong munisipalidad ang Kalinga.
- Balbalan
- Lubuagan
- Pasil
- Pinukpuk
- Rizal (Liwan)
- Tabuk
- Tanudan
- Tinglayan
Wika
Ilokano ang ginagamit na wika ng mga nasa mababang bahagi ng Kalinga,lalo na sa munisipalidad ng Tabuk at Rizal. Kalinga naman ang wikang gamit ng iba pang munisipalidad ng lalawigan ng kalinga. Ang Ing at Tagalog ay nauunawaan din ng mga taga-kalinga.
Sanggunian
- Provincial Profile of Kalinga (hinango noong 28 Nobyembre 2007).
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |