Kalimbahin

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Si Leni Robredo noong magpasa siya ng kaniyang certificate of candidacy noong 7 Oktubre 2021

Kasabay ng opisyal na pahayag ni Pangalawang Pangulong Leni Robredo sa kaniyang pagtakbo bilang pangulo ng Pilipinas sa Halalan 2022 ay ang paglaganap ng kalimbahin sa social media. Ang kalimbahin (pang-uri), mas kilala sa tawag na “pink” at “rosas,” ay iba pang tawag sa kulay na mula sa mapusyaw na pula hanggang sa maputla at mamula-mulang lila. Ito ang ginamit na kulay ni Robredo sa kaniyang kampanya bilang pangulo sa halip na dilaw (o dilawan, kulay ng Partido Liberal ng Pilipinas). Ayon kay Robredo, ang kalimbahin ay kulay ng protesta at aktibismo. [1]

Bilang pagpapakita ng suporta, ang mga tagasuporta ni Robredo ay nagsusuot ng mga kasuotan at palamuti na kulay kalimbahin. Pinalalaganap din sa social media ang #kakampink. [2]

Mga Sanggunian

  1. Janvic Mateo. “Leni: Pink Is The Color Of Protest.” One News, 9 Oktubre 2021. https://www.onenews.ph/articles/leni-pink-is-the-color-of-protest. Accessed 29 Oktubre 2021.
  2. Raymund Antonio. “Robredo's 'kakampink' hold nationwide parade; #LeniKiko2022 trends on Twitter.” Manila Bulletin, 21 Oktubre 2021. https://mb.com.ph/2021/10/23/robredo-supporters-in-pink-hold-nationwide-parade-lenikiko2022-trends-on-twitter/. Accessed 29 Oktubre 2021.

==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.