Kalayaan (Pahayagan)

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang pahayagang Kalayaan, na nagmula sa salitang Espanyol na Libertad (Liberty), ay nagsimulang ilathala noong 1896. Isa itong separatistang pahayagan na taglay ang pangunahing diwa ng Himagsikang1896. Ito ay pinamatnugutan ni Emilio Jacinto at nagdala ng dateline ng Yokohama kung kaya’t maraming nag-akalang ito ay inilathala sa Japan.

Ito ay inilimbag sa tahanan ni Alejandro Santiago sa Calle del Clavel, Binondo, sa harap ng La Rosa tobacco factory. Nailabas ito dahil sa donasyong salapi nina Candido Iban at Francisco del Castillo. Sina Ulpiano Fernandez naman at Faustino Duque ang nangalaga sa makina.

Ayon kay Pio Valenzuela, ito ay unang lumabas noong Marso 1896, may walong pahina, at may 2,000 kopya. Ang unang isyu nito ay naglalaman ng editoryal na isinulat ni Marcelo H. del Pilar patungkol sa “Pahayag” ni Jacinto sa alyas na Dimasilaw; tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio sa alyas na Agap-ito Bagumbayan; ang artikulong “Catuiran” ni Valenzuela sa alyas na Madlang Away; at ilang munting balita.

Inihahanda na ang ikalawang isyu nito ngunit natuklasan ang Katipunan kung kaya’t sinira nina Fernandez at Duque ang nakakaha ng isyu at ang makina bago umalis.

Ayon kay Valenzuela, nasa 300 lamang ang aktibong kasapi ng Katipunan noong Enero 1896 ngunit nang lumabas ang ‘’Kalayaan’’ ay dumagsa ang mga nais sumapi mula sa mga karatig probinsya. Umabot sa mahigit 30,000 ang naging miyembro nito.



Sanggunian

  • Retana, Wenceslao. El Periodismo Filipino, 1811-1910: The First Century of Philippine Journalism. Manila, Vibal Group, 2018.
  • V. Almario (Ed.). "Kalayaan".Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts.
  • “KALAYAAN: PAHAYAGAN NG KATIPUNAN”. Bantay Kasaysayan on Facebook. (Accessed on 13 July 2021).


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.