KUTING

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Kuwentista ng mga Tsikiting (KUTING) ay samahan ng mga Pilipinong manunulat ng mga kuwentong pambata. Layunin ng KUTING na makalikha ng mga babasahín para sa mga bata. Nagsasagawa rin sila ng mga pagsasanay at seminar. Sa kanila nagmumula ang ilan sa mga kinikilala at pinakamahuhusay na manunulat sa larangan ng mga kuwentong pambata sa bansa tulad nina Carla Pacis, Augie Rivera, Luis Gatmaitan, Heidi Emily Eusebio-Abad, Becky Bravo, May Tobias-Papa, Robert Magnuson, at Rhandee Garlito. Hindi lamang pagsulat ng kuwentong pambata ang ginagawa ng KUTING. Namamahagi rin sila ng mga aklat pambata at nagsasagawa rin sila ng storytelling.

Sanggunian

“Be a member of KUTING!” GMA News Online, 7 Hunyo 2013. https://www.gmanetwork.com/news/cbb/content/311813/be-a-member-of-kuting/story/. Accessed 22 Marso 2020.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.