KC Concepcion

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Maria Kristina Cassandra Cuneta-Pangilinan, o mas kilala bilang si KC Concepcion, ay isa sa mga pinaka-susubaybayang artista at sikat na personalidad dito sa Pilipinas. Hinahangaan ng mga kabataan hindi lamang dahil sa kagandahang panlabas, kundi maging sa mga natamo sa buhay at sa pagiging aktibo sa pagtulong sa kapwa.

Pinagmulan

Ipinanganak noong 7 Abril 1985, siya ay anak ng Megastar Sharon Cuneta at artista ring si Gabby Concepcion. Ang kanyang pangalang "Kristina" ay nagmula raw sa kanyang ina, samantalang ang "Cassandra" naman ay nakuha ng kanyang ama mula sa paborito nitong pelikulang may pamagat na Cassandra Crossing.

Mga Produktong Inendorso

  • Human
  • PH Care
  • Sony Cybershot
  • Globe Telecom
  • Palmolive
  • Bayo
  • Enervon Multivitamins

Pagsikat sa kanyang sarili

Nang siya ay magdalaga, nag-umpisa na siyang sumali sa iba't-ibang pagtatanghal, at nang di maglaon ay napunta sa kanya ang karakter na Ariel sa Little Mermaid. Naging modelo rin siya ng mga damit ng Human, na pag-aari ni Ben Chan. Matapos noon ay naging VJ siya ng MTV nang taong 2003. Hindi nagtagal ay ipinamalas naman niya ang kanyang husay sa pagkanta nang magrekord siya ng mga awitin para sa Beauty and Beast na idinirek ni Ryan Caybyab.

Noong Agosto 2007 ay nagtapos siya ng Bachelor of Arts in International Corporate Communications at may minor sa Theatre Arts sa American University of Paris.

Opisyal na Pagpasok sa Syobis

Error creating thumbnail: File seems to be missing: From Paris to Pinas Pagkabalik ni KC sa Pilipinas ay lumagda na siya ng kontrata sa isa sa pinakamalaking istasyon sa telebisyon, ang ABS-CBN.

Bago pa man siya opisyal na pumirma ng kontrata ay mayroon na siyang nagawang proyekto para dito nang bago siya umuwi ay ginawa niya ang isang espesyal na dokumentaryo tungkol sa kanyang buhay sa Paris, France kasama ang kanyang mga kaibigan, ang KC From Paris to Pinas. Ito ay nanalo ng isang karangalan mula sa Philippine Movie Press Club (PMPC)

Nito lamang Pebrero 2008 ay gumanap siya bilang bida sa Maalaala Mo Kaya. At para naman sa kanyang kaarawan sa buwan ng Abril ay naisipan niya at ng ABS-CBN na maghandog ng espesyal na palabas sa loob ng apat na Sabado na may ay iba't-ibang kuwento bawat linggo, ito ay ang I Am KC.

Ang Iba pang Pinagkakaabalahan

Bukod sa pag-arte at pagkanta ay abala rin si KC sa mga ilang proyektong kanyang sinusuportahan.

Noong 24 Nobyembre 2007 ay tumulong siya sa pag-organisa at pagtitinda sa Artists Fair Philippines III bazaar.Ito ay magsisilbing pag-angat sa mga alagad ng sining dito sa bansa, para naman mapansin at tangkilikin ang kanilang mga gawa ng mga kababayan din nila.Ang maiipon namang pera ng mga sumali rito ay ibibigay sa dalawang grupo, ang hands on Manila Foundation Inc. at Virlanie Foundation bilang tulong.

Bukod dito, nito lamang Pebrero 2008 nang siya ay itinalaga ng United Nations (UN) World Food Programme bilang Philippine Ambassador against Hunger.

Kaugnay nito ay nagpunta pa siya sa munisipalidad ng Pikit sa Hilagang Cotabato, Mindanao para puntahan ang mga batang naroroon at maipahayag sa publiko ang matinding pangangailangan ng mga Pilipino, lalo na ng mga bata, ng pagkain.

Dito naman sa Luzon ay nagpunta siya sa Marco Polo Children's Center sa Lungsod Makati upang bisitahin at magsilbing inspirasyon sa mga batang naroon.

Mga Sanggunian