Julio Nakpil

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Julio Nakpil ay isang musikero at rebolusyunaryong Pilipino. Siya ang nagsulat ng sagradong awit ng Katipunan, "Marangal na Dalit ng Katagalugan", sa hiling ni Andres Bonifacio. Bilang kasapi ng Katipunan, siya ang bumibili ng mga armas ng mga Katipuneros at lumaban siya kasama ni Emilio Jacinto sa San Mateo sa pamumuno ni Andres Bonifacio. Tatlong taon pagkatapos na mamatay si Bonifacio, napangasawa niya si Gregoria de Jesus. Siya ang ama ni Juan Nakpil, isang tanyag na arkitekto.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Kategorya:Bayani