Judy Ann Santos

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Judy Anne Lumagui Santos ngunit mas kilala bilang Judy Ann Santos sa mundo ng syobis ay isang aktres sa Pilipinas na nakakamit na ng mga karangalan at pagkilala sa kanyang husay sa pag-arte sa telebisyon at sa pelikula. Tinawag na rin siya ng ilan bilang Young Superstar dahil na rin sa kabila ng pagsisimula nang bata pa, sumikat siya agad at nagtagumpay.


Pinagmulan at Personal na Buhay

Ipinanganak noong ika-11 ng Mayo 1978 sa Maynila, nakasanayan na siyang tawaging Juday ng mga malalapit sa kanya. Mayroon siyang nakatatandang mga kapatid, si Jackie at si Jeff, na isa ring artista. Ang kanyang ina ang namahala sa kanilang pagtanda nang ito ay maghanapbuhay bilang isang caregiver sa Toronto, Canada magmula nang sila ay maiwan ng kanilang ama. Mayroon din siyang mga kapatid sa ama na ngayon ay naninirahan na sa California, U.S.A.

Nag-aral siya sa Assumption Convent/Our Lady of Peace Antipolo at Mount Carmel College sa Lungsod Quezon at matapos noon ay ipinagpatuloy ang pag-aaral sa Center for Asian Culinary Studies sa ilalim ni Chef Gene Gonzalez kung saan siya ay nagtapos nang mayroong karangalan. Sa ngayon ay nagsasanay siya upang magkaroon ng sertipiko bilang isang propesyonal na chef. Nagmamay-ari siya ng isang restawran na tinawag na Kaffe Carabana' na matatagpuan sa Lungsod Quezon. Ngunit nagsara na ito. Nauna na siyang nagkaroon ng isa pang restawran, ang Kaffe Kilimanjaro ngunit nagsara rin iyon.

Sa ngayon ay mayroon siyang karelasyon, si Ryan Agoncillo, na nagsimula bilang modelo at host ngunit hindi nagtagal ay nagsimulang umarte at kanyang nakapareha sa palabas na Krystala. Kumupkop rin siya at itinuring na sariling anak ang isang batang may pangalang Johanna Lois o Yohan.


Sa Syobis

Pagsisimula

nagsimula ang kanyang paglapit sa syobis noong kanyang ikawalong kaarawan. Ito ay nang pumasa siya sa pagsubok na makakuha ng karakter na gagampanan sa pelikula ng Regal Films na Kaming mga Ulila, isang proyektong nabago nang isinalin sa telebisyon para sa istasyong GMA.


Pagsikat

Una siyang nakilala sa kanyang kauna-unahang pinagbidahang palabas sa IBC, ang Ula, Ang Batang Gubat sa edad na 10-taong-gulang bago pa man niya umpisahan ang napakahabang karera niya sa ABS-CBN. Sa ngayon, lumabas na siya sa siyam na teleserye. Kasama na rito ang Kaming Mga Ulila, Ula Ang Batang Gubat, Mara Clara, Esperanza, Sa Puso Ko Iingatan Ka, Basta't Kasama Kita, Krystala, Sa Piling Mo, Ysabella. Lumabas na rin siya sa isang pangkabataang programa, ang Gimik. Nagkaroon din siya ng dalawang antolohiya, ang Star Drama Theatre Presents at Judy Ann Drama Special. Bukod dito, siya ay nakagawa naman ng humigit-kumulang 60 pelikula. Nabigyan siya ng parangal bilang Box Office Queen sa edad na 21-taong-gulang.

Noong Nobyembre 2006, nabigyan naman siya ng sarili niyang bituin sa Philippine Walk of Fame. Noong Marso ng 2007, napasama siya sa Paradise of Stars sa Mowelfund. Ang dalawang ito ay pinangunahan ni German Moreno.

Sa kanyang pag-aartista sa loob ng halos 20 taon, marami na siyang mga nakasamang mga sikat na artista, kabilang na sina Fernando Poe,Jr., Dolphy, Sharon Cuneta, Christopher de Leon, Connie Reyes, at marami pang iba. Sa dami na rin ng kanyang mga pelikula at palabas sa telebisyon, marami rin siyang nakatambal at nakaugnay sa iba't ibang proyekto. Kabilang na si Wowie de Guzman, ang yumaong si Rico Yan, Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Robin Padilla, ang kanyang kasalukuyang karelasyon maging sa totoong buhay na si Ryan Agoncillo, at marami pang iba.

Ang nangangalaga sa kanyang karera ay ang kilala rin sa syobis na si Alfie Lorenzo. Kung kaya naman, hindi siya eksklusibong artista ng kahit na anong istasyon sa telebisyon o sa kahit anong produksyon sa pelikula.


Sa Pagkanta

Una siyang nagkaroon ng sariling album noong 1999 na ipinrodyus ng Viva Records. Taong 2001 nang ito ay masundan at katulad ng pamagat ng kanyang pagdiriwang sa telebisyon ng kanyang anibersaryo, pinangalanan itong Bida ng Buhay Ko. 2007 ang pinakahuli niyang album sa ialim ng Star Records na may pamagat namang Musika ng Buhay Ko. Ipinakita nito ang naging karera niya sa mundo ng syobis sa pamamagitan na rin ng kanyang personal na pagpili sa mga kantang ginamit sa mga pelikula at palabas sa telebisyon. Kumanta rin siya ng dalawang awitin: ang Thanks to You at Ikaw Lang.

Sa mga Magasin

Taong 2006 nang sa kauna-unahang pagkakataon ay kunin siya at ilagay ang kanyang larawan sa mga magasin, ito ay sa Cosmopolitan. Nang sumunod na taon, kinuha na rin siya ng iba't iba pang mga magasin sa bansa tulad ng Preview, Mod, Metro, at marie Claire.

Sa kanya namang pagdiriwang ng kanyang anibersaryo sa A-List, Hi!, Star Studio, at Yes!. Bukod dito ay itinampok na rin siya sa YES! magasin sa unang beses nitong paglalagay ng 100 Pinakamagandang mga Atrista sa Pilipinas.

At nito lamang ay naitampok muli siya sa Preview kasama sina Claudine Barretto, Ruffa Gutierrez at Gretchen Barretto bilang apat sa mga pinakamagandang artista sa ngayon. Ito ay bahagi rin ng kanilang pag-eendorso sa produktong Pantene.

Mga Tinampukang Palabas sa Telebisyon


Mga Tinampukang Pelikula


Mga Karangalan

Para sa Pelikula at Telebisyon


Iba Pa

  • Best Actress over Two Decades - 4th Gawad Amerika Awards (2007)
  • Paradise of Stars - German Moreno and Mowelfund (2007)
  • Anak TV Seal Top Female Category - Southeast Asian Foundation for Children’s Television (2006)
  • Star in the Philippine Walk of Fame - German Moreno and Eastwood City (2006)
  • Film Actress of the Year (Don't Give Up On Us) - YES! Magazine's Readers' Choice Awards 2006
  • Hottest Premium Actress (Don't Give Up On Us) - S Magazine's Readers' Choice Awards 2006
  • Box-Office Queen - Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (1999)
  • Miss RP Movies - Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (1998)
  • Youth Achievement Award - German Moreno and FAMAS (1997)
  • Teenage Queen of Philippine Movies - Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (1997)
  • Teenage Queen of Philippine Movies - Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (1996)


Mga Inendorsong Produkto

  • Pantene shampoo
  • Maggi Magic Sarap
  • Datu Puti
  • Lactacyd Feminine Wash
  • Selecta Ice Cream
  • Familia Plastic Wares
  • MyDSL PLDT
  • EPCIB-BDO Credit Card
  • ForMe
  • M Lhuillier Pawnshops
  • Fitrum
  • Tuseran Forte
  • Extract Whitening Products
  • Pride
  • Angel Condensada
  • Bodega ng Bayan
  • SMART Talk & Text
  • 555 Sardines
  • Pacific Blue eyewear; Pacific Blue watches
  • Forever Flawless
  • Juday's baby products
  • San Miguel Corporation
  • Celebrity Secrets fragrance by Sara Lee
  • Mun-Ami Ballpen
  • Palmolive Naturals Shampoo
  • King Flakes
  • Leonardo bags
  • AMA Computer Learning Center
  • Rosmont Executive Villa
  • YSA
  • Piltel
  • PLDT Phone Cards
  • Anonymous
  • Medicare
  • Colgate


Panlabas na Kawing


Sanggunian


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.