Juan de Vargas y Hurtado

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Juan de Vargas y Hurtado ay ang ika-30 na naging gobernador-heneral ng Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Siya ang pumalit kay Francisco Sotomayor y Mansilla. Siya ay naglingkod mula 28 Setyembre 1678 hanggang 24 Agosto 1684.

Si Vargas ay ipinanganak sa Toledo, Spain. Siya ay knight ng Order of Santiago at dating opisyal ng militar.

Sa panahon ng kaniyang panunungkulan bilang gobernador-heneral, muli niyang ipinatayo ang Santa Potenciana College, unang paaralan sa Pilipinas para sa kababaihan.

Nagkaroon din sila ng hindi pagkakaunawaan ni Felipe Condrado, na arsobispo ng Maynila noong mga panahong iyon.

Si Vargas ay pinatalsik sa puwesto at namatay habang naglalayag pabalik sa Mexico noong 1690.

Sanggunian

Carlos L. Quirino, ed. Maria Eloisa G. Pargo de Castro. “Governors-General of the Philippines.” Old Manila 2nd Edition, p. 292. Quezon City: Vibal Foundation, 2020.  

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.