Juan de Silva

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Juan de Silva ay ang ika-14 na gobernador-heneral ng Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Siya ay naglingkod mula Abril 1609 hanggang 10 Abril 1616. Siya ang pumalit kay Rodrigo de Vivero y Velasco.

Pamamahala at Kamatayan

Si Silva ay ipinanganak sa Trujillo, Spain. Nagsilbi siya bilang knight (tao na pinagkalooban ng naturang titulo dahil sa kaniyang galing sa paglilingkod) ng Order of Santiago. Dumating siya sa Pilipinas noong 1609 bilang gobernador-heneral. Ito rin ang taon kung saan ang Maynila ay napalilibutan ng mga barko ng Dutch East India Company na umatake rin sa mga Portuguese na nakapalibot sa rehiyon. Sa mga panahong ito, kinilala si Silva sa kaniyang katapangan upang paatrasin ang mga Dutch. Sa kaniya ring termino, 1610, dumating ang ikaapat na arsobispo ng Maynila na si Diego Vazquez de Mercado.

Sa pagitan ng mga taong 1612 at 1615, nakipagkasundo si Silva sa mga Portuguese upang makapagpadala ng eskuwadron upang tulungan ang mga Portuguese sa pag-atake ng mga Dutch sa Moluccas. Sa kasamaang-palad, bago pa man makarating ang mga Espanyol sa Kipot ng Singapore noong 25 Pebrero 1616 ay tuluyan nang nagapi ng mga Dutch ang eskuwadron ng mga Portuguese.

Sa mga panahong ito, nagkasakit na si Silva. Hiniling niyang palitan siya dahil sa kaniyang kalusugan.

Noong 19 Abril 1616, siya ay namatay sa Malacca.  

Sanggunian

Carlos L. Quirino, ed. Maria Eloisa G. Pargo de Castro. “Governors-General of the Philippines.” Old Manila 2nd Edition, p. 291–292. Quezon City: Vibal Foundation, 2020.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.