Juan T. Gatbonton
Si Juan Talag Gatbonton ay isang mamamahayag at manunulat. Siya ang isa sa dalawang unang nagkamit ng unang gantimpala sa Gawad Pang-alaala kay Don Carlos Palanca para sa Panitikan.
Pinagmulan at Edukasyon
Ipinanganak si Gatbonton noong 25 Pebrero 1928 sa Candaba, Pampanga. Nag-aral siya ng hayskul sa Mapa High School sa Maynila, kung saan siya nagsimulang magsulat ng mga lathalain para sa pahayagang pampaaralan ng The Mapazette. Nag-aral siya ng journalism sa Unibersidad ng Santo Tomas ngunit hindi niya natapos ang kursong ito.
Karera
Mula 1954 hanggang 1958 ay nagtrabaho si Gatbonton sa magasing This Week ng Manila Chronicle. Nagsulat siya ng pitak na pinamagatang “Little Reports” at kalauna'y naging patnugot ng nasabing magasin. Naging patnugot rin siya ng Sunday Times Magazine bago naging katuwang na tagasulat ng mga editoryal sa Manila Times at Mirror. Noong 1965 ay nagtungo siya sa Hong Kong upang magtarabaho bilang patnugot ng Asia Magazine. Makalipas ang apat na taon ay naging patnugot naman siya ng tanyag na travel journal na Orientations, at nagsulat para sa Times Journal.
Maliban sa kanyang mga sanaysay para sa mga babasahing kanyang pinagtrabahuan ay nagsulat din si Gatbonton ng mga akdang pampanitikan. Nagsulat at naging patnugot din siya ng mga aklat tungkol sa sining at kultura ng Pilipinas. Kabilang dito ang The Art of Malang as Filipino (2002) at Malang Drawings (2009).
Kasalukuyang editorial consultant ng Manila Times si Gatbonton.
Mga Parangal
- Unang Gantimpala, Gawad Palanca para sa “Clay” (Short Story in English, 1951)
- Unang Gantimpala, Philippines Free Press Literary Award para sa “Clay” (1951)
- Unang Gantimpala, Gawad Palanca para sa “A Record of Our Passage” (Short Story in English, 1963)
- Unang Gantimpala, Philippines Free Press Literary Award para sa “A Record of Our Passage” (1963)
- National Book Award para sa “Little Reports” (Essay, 1986)
Mga Sanggunian
- CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol IX. Philippine Literature. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994.
- Free Press Literary Awards (Hinango noong 27 Mayo 2009).
- The Don Carlos Palanca Awards/1951 (Hinango noong 27 Mayo 2009).
- The Don Carlos Palanca Awards/1963 (Hinango noong 27 Mayo 2009).
- National Book Awards (Hinango noong 27 Mayo 2009).
- “Malang Drawings” Exhibit at SM Megamall, January 23-February 8, 2009 (Hinango noong 27 Mayo 2009).
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |