Juan Lopez

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search


Juan Lopez
Juan Lopez.jpg
Estado:
Kapanganakan: Martin Munoz, Casilla la Vieja
Kamatayan: 12 Pebrero 1674
inilibing sa ilalim ng Simbahan ng Santo Domingo, sa Intramuros.
Mga Magulang :
Nationality :

Si Juan Lopez ang ikawalong Arsobispo ng Maynila mulang 1672 hanggang 1674. Siya ay ipinanganak sa Martin Munoz, Casilla la Vieja. Pumasok siya sa orden ng Dominiko sa San Esteban de Salamanca at nagsilbi sa Colegio de San Gregorio, Valladolid. Nagpunta siya sa Filipinas bilang misyonero ngunit napilitang bumalik sa Mexico, upang magpalakas ng kalusugan. Naging pinuno siya ng orden ng Dominin at nakamit ang pagkadalubhasa sa teyolohiya sa Roma noong 1662.

Obispo

Habang nasa Roma si Lopez ay hinirang siyang obispo ng Cebu ni Haring Felipe IV noong Disyembre 1662.Tinipon ni Lopez ang 40 misyonero upang samahan siya pabalik sa Filipinas. Binasbasan siya sa Mechoacan, Mexico noong 4 enero 1665 at dumaong sa Cebu noong 31 Agosto 1665. Madaling uminit ang ulo at mabilis magalit si Lopez, kung kaya't siya ay nasangkot sa mga kontrobersiya. Marami siyang ipinatiwalag sa simbahan nang walang sapat na dahilan kaya napilitang makialam ang Real Audencia ng Maynila. Lumawas siya sa Maynila nang 2 beses, una noong dinakip si Diego de Salcedo, ang gobernador ng Filipinas, ng tagapag-usig ng mga ayaw sumunod sa katoliko Lumuwas uli siya sa Maynila nang ipatawag ng bobernador noong pagkamatay ni Arsobispo Poblete. Pinakiusapan siyang maging pansamantalang arsobispo ng Maynila nuong 1671, at naging ganap na Arsobispo ng Maynila noong 21 Agosto 1672.

Kamatayan

Namatay si Arsobispo Lopez noong 12 Pebrero 1674, sa edad na 61. Ang kaniyang puso at bituka ay inilibing sa sementeryo ng mga paring sekular, samantalang ang kaniyang katawan ay inilibing sa ilalim ng Simbahan ng Santo Domingo, sa Intramuros.

Panlabas na Kawing

en.wkipilipinas.org website

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.