Juan Cailles

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Juan Cailles (10 Nobyembre 1871 – 28 Hunyo 1951) ay isang guro sa Baryo Amaya, Tanza, Cavite. Nang magkaroon ng rebolusyon noong panahon ng kolonyalismong Kastila, sumali siya sa Katipunan. Bilang isang Katipunero at guro, hinimok niya ang mga ama ng kaniyang mga mag-aaral na sumali sa lokal na sangay ng Katipunan.

Katipunero

Noong 1897, si Cailles ay ginawang heneral ni Emilio Aguinaldo, at inatasang maging kumander ng Batalyon ng Trias. Ang kaniyang grupo ang naatasang magtanggol sa Cavite at mga karatig na lalawigan nito sa mga Espanyol. Isa si Cailles sa mga lumagda sa Deklarasyon ng Kalayaan ng Filipinas, noong 12 Hunyo 1898. Namalagi rin si Cailles at ang kaniyang mga tauhan sa Laguna upang ipagtanggol ang lalawigang ito. At noong 1900, bumalik si Cailles sa Cavite at muling nakipaglaban sa mga Espanyol doon.

Politiko

Noong 24 Hunyo 1892, sumuko si Cailles sa mga Amerikano, at magmula noon nag-umpisa na siyang manungkulan sa bayan. Naging gobernador sibil siya ng Laguna noong 1902 hanggang 1910 at dalawang ulit naging gobernador panlalawigan noong 1915-1925 at 1932-1938. Si Cailles din ang naging kinatawan ng Mountain Province noong 1926-1931. Pagkatapos ng kaniyang panunungkulan sa pamahalaan, siya ay inatasang maging ikalawang pangulo ng Board of Pensions for Veterans at makalipas ang isang taon, si Cailles ang naging pangkalahatang inspektor ng Philippine Veterans Administration.

Sanggunian

  • National Historical Institute. Historical Markers: Regions I-IV and CAR. Manila: National Historical Institute, 1993.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Cailles Cailles Himagsikan|Cailles Cailles Cailles