Juan Angel Rodriguez

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search


Juan Angel Rodriguez
Juan Angel Rodriguez.jpg
Estado:
Kapanganakan: Medina del Campo, Espanya
Kamatayan: 1747
Mga Magulang :

Si Juan Angel Rodriguez ay ang ika–13 Arsobispo ng Maynila mulang 1737 hanggang 1742. Ipinanganak siya sa Medina del Campo, Espanya. Naging guro siya sa maraming unibersidad. Siya ay itinalagang kumpesor ng Arsobispo ng Lima, Peru. Kilala siya sa pagiging tapat, madasalin, at maaalalahanin.

Hinirang si Rodriguez bilang Arsobispo ng Maynila noong 18 Mayo 1731. Dahil ang galyon ay bawal maglayag sa Acapulco noong mga panahon na iyon, napilitan siyang tumigil sa Lima hanggang 2 Enero 1736. Umalis siya sa Acapulco noong 17 Abril 1736. Dumaong siya sa Maynila noong 23 Enero 1737.

Ipinakilala niya ang kantang Geregoriya, ipinagbawal ang prusisyon sa gabi, at nireporma ang ilang pista. Ipinagtanggol niya ang isang piskal na inuusig ni Gobernador-Heneral Valdez. Nagtago ang piskal sa kumbento ng mga Rekoleto. Kinumbinsi ni Rodriguez ang piskal na sumuko sa gobernador at magtiwala dito. Naging malupit ang iginawad na parusa sa piskal kung kaya't sinisi ng arsobispo ang kaniyang sarili, na naging dahilan ng kaniyang kamatayan. Namatay siya noong 1747.

Panlabas na Kawing

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.