Jose Rizal: Ang Buhay Ng Isang Bayani (1996)

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Jose Rizal: Ang Buhay ng Isang Bayani ay isang dokumentaryong pangkasaysayan tungkol sa buhay ni Jose Rizal. Una itong ipinalabas noong 1996 sa direksyon ni Butch Nolasco. Ang aktor na si Joonee Gamboa ang tumayo bilang tagapagsalaysay ng dokumentaryo.

Ipinakita sa dokumentaryo ang iba't ibang aspekto ng pagkatao ni Rizal-bilang isang anak, isang mag-aaral, isang kasintahan, isang manunulat, at bilang bayani ng Pilipinas.