Jose Perez

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Jose Portugal Perez (14 Disyembre 1946 - 12 Agosto 2021) ay isang Pilipinong abogado na naitalaga bilang Associate Justice ng Supreme Court of the Philippines noong 2009. Nagsimula siyang manilbihan sa Korte Suprema noong 1971 bilang isang technical assistant at naging court administrator noong 2008.

Kabataan at Edukasyon

Ipinanganak si Perez noong ika-14 ng Disyembre 1946. Kapwa mula Ibaan, Batangas ang kaniyang mga magulang na sina Luciano Perez at Engracia Portugal. Nag-aral siya ng elementarya sa St. Bridget College at nagtapos ng hayskul sa Batangas City High School bilang valedictorian. Nagtapos siya ng kursong political science sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1967. Kumuha siya ng kursong abogasya mula sa College of Law ng UP at nagtapos noong 1971.

Karera

Mula sa kaniyang pagtatapos ng kursong abogasya, pumasok si Perez sa Korte Suprema bilang isang technical assistant noong 1971. Mula rito ay naitalaga siya bilang legal assistant (1972–1973), judicial assistant (1974–1976) at noong 1977 ay naging confidential attorney siya sa Office of the Chief Justice na si Fred Ruiz Castro. Noong 1980, naging supervising attorney siya sa Office of the Chief Attorney, at kinalaunan ay naitalaga bilang assistant chief. Noong 1987, itinalaga siya bilang Deputy Clerk of Court, at naging Assistant Court Administrator noong 1996 bago naging Deputy Court Administrator noong 2000. Ilang beses siyang naging acting Court Administrator bago siya naitalaga bilang Court Administrator noong 2008.

Itinalaga siya ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang Associate Justice matapos magretiro ni Associate Justice Leonardo Quisumbing noong ika-6 ng Nobyembre 2009. Noong 2012, nominado siya sa posisyon ng chief justice matapos matanggal sa puwesto si Renato Corona.

Nagretiro si Perez sa Korte Suprema noong ika-14 ng Disyembre 2016 matapos ang 45 taong serbisyo.

Kamatayan

Pumanaw si Perez noong ika-12 ng Agosto 2021 sa edad na 74.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.