Jose Francisco de Obando y Solis

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Jose Francisco de Obando y Solis ay ang ika-43 na naging gobernador-heneral ng Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol. Siya ang pumalit kay Juan de Arrechederra. Siya ay naglingkod mula 20 Hulyo 1750 hanggang Hulyo 1754.

Si Obando ay nagmula sa Caceres, Estamadura, Spain. Isa siyang kadete ng hukbong Espanyol noong 1710 sa edad na 17. Nailipat siya sa impanteriya ng nabal noong 1717 at kasama sa pagkubkob ng Sicily noong Labanan ng Alyansa ng Quadruple noong 1718. Noong 1728, naging tenyente ng Genova, isang frigate o malaking pampatrulyang bapor. Nag-aral din siya sa paggawa ng barko sa Cadiz. Noong 1731, pinamunuan niya ang frigate na Guipuzcoa. Naging pansamantalang gobernador-heneral din siya ng Chile bago nahirang na gobernador-heneral ng Pilipinas.

Sa kaniyang pag-upo bilang gobernador-heneral ng Pilipinas, nagkaroon agad siya ng hindi pagkakaunawaan sa Audencia Real at sa arsobispo. Nakipag-ayos din siya sa mga Moro. Namatay si Obando noong 1755 habang naglalayag pabalik sa Acapulco.

Sa kaniya ipinangalan ang Bayan ng Obando sa Bulacan na naitatag sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

Sanggunian

  • Carlos L. Quirino, ed. Maria Eloisa G. Pargo de Castro. “Governors-General of the Philippines.” Old Manila 2nd Edition, p. 293. Quezon City: Vibal Foundation, 2020.  
  • Rene Romulo A. de los Reyes. “Obando Legend of Dance.” https://obandopilipinas.wordpress.com/about-obando/about/. Accessed 13 Marso 2021.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.