Jose Basco y Vargas

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Jose Basco y Vargas ay ang ika-51 na naging gobernador-heneral ng Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol. Siya ang pumalit kay Pedro de Sarrio. Siya ay naglingkod mula Hulyo 1778 hanggang Nobyembre 1787.

Si Basco ay nagmula sa kilalang angkan sa Malaga, Granada, Spain. Siya ay opisyal ng nabal. Naging gobernador-heneral siya noong 1778. Sa parehong taon, pumabor siya sa muling pagpapabalik ng mga Sangley sa Maynila. Noong 1781, pinagtuonan niya ang muling pagtatag ng Sociedad Economica de los Amigos del Pais, isang organisasyon na muling bumuhay sa industriya ng tabako matapos itong pansamantalang nahinto noong 1780. Sinubukan din niyang sakupin ang lupain ng mga Ivatan, na kaniyang ikinatagumpay. Dahil dito binansagan siyang primer conde de la conquista de las islas Batanes (Unang Konde na Sumakop sa Isla ng Batanes).

Kilalang sumasalungat sa Audencia Real, ipinag-utos ni Basco ang pag-aresto at ang pag-alis ng kasong konspirasyon noong 1779. Ang alitan sa pagitan ni Basco at ng Audencia ang ugat upang hilingin ni Basco sa Hari ng Espanya na tanggalin siya bilang gobernador-heneral ng Pilipinas. Bilang tugon ng hari, itinalaga niya si Basco bilang heneral ng nabal at gobernador ng Cartagenia, Colombia. Matapos bumaba sa puwesto, muling naging pansamantalang gobernador-heneral si Pedro de Serrio.

Sanggunian

Carlos L. Quirino, ed. Maria Eloisa G. Pargo de Castro. “Governors-General of the Philippines.” Old Manila 2nd Edition, p. 294. Quezon City: Vibal Foundation, 2020.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.